27

1K 39 0
                                    


Jealous

NASA building ako nila Marcaun. Nauna kasing natapos ang klase namin kaya ako na naman ang maghihintay sa kanya.



I texted him that I'm in their building's cafeteria. Nagulat pa ako nang nakapag-reply agad siya e siguradong nasa klase pa siya.



Me:

Stop replying! Focus ka sa discussion niyo!



Marcaun:

Yes po! Wait mo lang ako diyan :)



Napangiti ako. I don't know but I find it cute when he puts a smiley. Napapansin ko na talaga na palaging may gano'n sa mga reply niya pero kung wala sa mood, ang tipid ng mga reply.



Nagpunta ako sa Instagram account niya at napasinghap sa mga larawan na puro mukha ko. Oh my gosh! Ba't ngayon ko lang 'to nakita? Yung iba ay sinadyang medyo malabo pero yung recent ay masyadong halata na ako 'yon. Nasa McDo kami nito sa larawan. I'm smiling widely that my teeth and even my gums showed evidently.



Mas lalo akong napangiti nang makita ang IG story niya. It's our convo, yung ngayon talaga. Tss.



Napakunot ako ng noo nang makita ang bulto ni Clarna. Papalapit siya dito mismo sa direksiyon ko. Prente siyang umupo sa harapan ko habang makahulugang ngumisi.



"Ano na namang problema mo, Clarna?"



She smirked.



"Oh? Bawal ba? And don't tell me, you're starting being obsessed with Marcaun? Hindi naman kayo, 'di ba?"



Hindi ko maiwasan ang magtaas ng kilay. Parang binabaliktad niya ako. Sarili niya dapat ang tanungin niya.



"I'm not obsessed with Marcaun. At anong pakialam mo? Nililigawan naman ako ni Marcaun saka matagal na kayong wala? So, what's with you? Am I being obsessed or... is it you?"



Sumeryoso ang mukha niya. Matalim ang tingin na ibinigay niya sa akin. From being serious, a creepy smile escaped her lips.



"H'wag mo akong ginaganyan-ganyan, Hasheine. May alam pa naman ako na hindi alam ng iba. Hmm, your biological father is the stepfather of Eerhia, right? Then, what about your mother? Is she alive?"



I froze. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Her lips rose up and threw me a triumph look. Alam niya? Shit!



"You don't know anything," malamig kong sambit.



"Oh really? Tingnan lang natin..."



Nagpanting ang tainga ko. Kung may alam nga siya at gagamitin niya 'yon laban sa akin ay nakakabwiset ang rason niya. She don't have the rights to use someone just to conquest me!



"Kaya dahan-dahan lang sa pananalita dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin Ms. Hasheine Mausisa..." she said in a warning tone before leaving.



Napakuyom ako ng palad habang naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Ito yung kinakakatakutan ko. Nagyuko ako ng ulo at kinakalma ang sarili.



I couldn't control myself but to breathe heavily. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Clarna ang tungkol kay Mama kung talagang may alam nga siya.



Idinikit ko ang noo sa lamesa habang ang dalawang kamay ay ipinagsalikop ng madiin. Nanghihina ako at pakiramdam ko ay madaling matatangay lamang ako ng malakas ng hangin.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now