E P I L O G U E

2.2K 75 12
                                    


NAPASIMANGOT ako sa gulat nang inalis ng babae ang hoodie nito sa ulo. Hindi ko inaasahan na ang palaging nakayuko at nakatago na mukha ng babaeng 'to ay sumisigaw pala ang kagandahan. Wow.



"It's you the girl last week, right?" I seriously asked.



Dahan-dahan itong tumango. Hindi ko maiwasan ang mapatitig ng matagal sa babae. Ang puti niya. I wonder if she's using gluta or had inject herself before she have the fair skin result.



"Uh, 'yan na po..."



"Fucking shit. A version of Snow White..." I whispered.



When I went home, I couldn't erase her in my thoughts. Kamukha niya rin kasi ang isang miyembro ng blackpink na si Jisoo. But she has that chubby cheeks and short hair.



Habang nagmamaneho ay napansin ko ang pamilyar na motorbike na mabilis na pinaandar. I immediately followed it. Ang sasakyan ko ay pumapantay na rin sa mabilis na pagpapatakbo nito. When she slowed her motorbike, I also slowed down my car.



Nang lumiko siya pabalik sa Cafélicioso ay sinundan ko pa rin hanggang sa pagtigil nito.



She was about to go inside the cafe but I immediately caught her arm.



Mabilis na kumunot ang aking noo nang mapasadahan ng tingin ang pulsuhan niya. My mouth went wide. I'm pretty sure, she purposely did this to herself.



"Ashi..."



Iritado niya akong binalingan ng tingin. Kumikislap ang mga mata niya dahil sa namumuong luha.



"You're doing it again," napapailing kong wika. "Should I tell Eerhia about this?"



"What?!" medyo iritado nitong sambit habang binabawi ang kanyang braso.



"Your wrist," I murmured.



Parehong nanlaki ang mga mata namin nang mapansin ang pagtulo ng dugo pababa sa palad niya. Malaki-laki ang naging hiwa at paniguradong bago niya pa ito ginawa. Mabilis akong naglahad ng panyo na agad rin naman niyang ipinahid sa hiwa ng kanyang pulsuhan.



"Palagi naman akong nagtatambay dito simula pa noon at hindi naman kita napapansin na pumunta dito, ah. Are you up to something? Are you following me?" aniya.



Napataas ako ng kilay at hindi maiwasang mapangisi.



"So, what do you mean?" I chuckled. "Sinasabi mo bang nagpupunta na ako dito dahil sa'yo?"



Napakurap-kurap siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.



"I'm just asking. Nakakainis na talaga ang presensya mo," asar niyang sagot.



"You should enjoy my presence. And you're really weird. I just heard from Eerhia na hindi ka raw lumalabas sa umaga, sa tanghali o sa hapon man lang. Tuwing gabi ka lang daw talaga lumalabas. Totoo?"



She nodded.



Manghang pinagmasdan ko siya. Kaya pala ang puti-puti dahil hindi naaarawan. Mas maputi pa nga siguro ang babaeng 'to sa chlorine.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon