40

1.4K 45 2
                                    


Depression weights you down like the brick of a waterfall. You can strive and trust, and hope you have the power to swim, but then you'll have to get yourself out. And you're never going to know inner peace until someone or something brings you back out of the river.

This will be the last chapter! See you again soon my Rolfins to the third book of Humiliation Series!!

Knot

PALAGI pa rin kaming viral ni Marcaun. Lalo na dahil ilang beses na kaming nakunan ng mga larawan na kung saan-saan lamang ang mga pinuntahan namin. And we just don't care. We're engaged already, so their opinion doesn't matter anymore.



Nakasalubong ko sa mall sa isang boutique ang naging co-actor ko dati sa una kong pelikulang naipalabas.



"Uy, Hasheine!" he greeted me.



"Uhmm hey..."



Napasulyap ito sa kasama ko at malisyosong binalingan ako nito ng tingin.



"Boyfriend mo?" anito.



"Fiancé ko," I answered honestly.



Unti-unti itong napanganga sa gulat. Maybe he's expecting that I'm gonna deny it. Gano'n naman talaga. Karamihan na nasa loob ng industriya, kahit huling-huli na ay mas gugustuhin pa ring itago. Nakakawala kasi ng privacy kapag marami ang nakakaalam.



As for me, wala na akong pakialam kahit ano nang sasabihin ng iba. Totoo rin naman na may relasyon kami ni Marcaun.



Nakahinga ako ng maluwag nang pagpasok namin sa grocery store ay hindi masyadong maraming tao.



Turo lamang ako nang turo ng mga bibilhin. Nanggigigil kong hinalikan sa pisngi si Marcaun at kumapit pa sa leeg niya habang ipinalutang ang mga paa sa ere kaya bigla niyang naiyuko ang ulo dahil sa biglaang bigat ko.



He just chuckled and kissed the tip of my nose.



"Cute mo. Piggy back ka na lang kung gusto kitang buhatin."



Malikot akong pumatong sa likuran niya habang tulak-tulak naman ng isang kamay niya ang grocery trolley cart. Mukhang hindi nga siya nahihirapan dahil tawa nang tawa lang siya.



Napatigil ako sa pagtawa nang tawang-tawang kinurot niya ang pisngi ng pwet ko.



"Marcaun!" singhal ko.



Nakangusong bumaba ako at napayuko. Pakiramdam ko ay biglang naging kamatis na ang buong mukha ko ngayon.



"Pwet lang naman e," he pouted. "Saka cute ng pwet mo, Ashi. Ang fluffy."



Pinaghahampas ko siya sa braso. Mas naramdaman ko tuloy ang mas lalong nag-iinit kong mukha.



Tumigil lamang kami sa pag-aasaran nang may mag-inang dumaan habang tumitingin-tingin sa mga chitchirya. Kumuha na rin si Marcaun ng mga malalaking iba't-ibang klase ng chitchirya.



"Kunin mo rin 'yang marshmallow. Favorite kasi 'yan ni Rhian."



"Manang-mana pala talaga kay Eerhia. Mahilig rin si Eerhia sa marshmallow 'di ba? he asked.



"Oh, alam mo na palang hindi ako tunay na ina ni Rhian?"



"Of course. After our first encounter in the mall when you're with Rhian, I tried to approach Manang Glor and asked her about Rhian's parents."



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now