03

1.6K 96 2
                                    


Again

NAKAHALUMBABA ako sa dining table. I felt sad. I'm not seeing Eerhia for almost two weeks. Baka grounded na naman. But she's already old enough sa mga ganyang bagay.



Wala naman siyang ginawang masama. She's still human that feels tired with the things she didn't wanted to do. That's the reason I really hate Tita Erah. She's very controlling! Ang taas ng mga expectations niya para sa anak niya. And she didn't even consider Eerhia's likes for her own self.



Nakakapagod malungkot. My heart clenched tightly. Here comes this familiar feeling again! Hindi ko alam kung bakit naiiyak na naman ako. I hate this kind of feeling because my only way to distract this is by harming myself.



Mag-isa lamang ako dito dahil tuwing weekends ay umuuwi si Manang Glor sa kanila kaya wala siya dito. Nagpunta ako sa backyard at dahan-dahang napaupo at napaiyak sa gitna.



"Putanginang buhay 'to! Bakit kailangan pang makulong si Mama?! Biktima lang din naman siya!" I screamed at the top of my lungs.



At hindi lang 'yon. Nang bisitahin ko si Mama sa pangatlong araw niya sa presinto ay mabilis na inagaw niya ang baril sa giliran ng pulis at hindi nagdadalawang-isip na ipinutok sa ulo niya.



Oo, maling-mali si Mama sa paraang pagpatay sa stepfather ko. Sa paraang ilang beses niya itong sinaksak sa leeg. Pero hindi ko siya masisisi. Sino ba naman ang makakapag-isip pa ng tama sa sobrang galit kung sumobra na rin ang kahayupang ginawa ng tao sa'yo? And she just protected me...



Nanatiling tulala akong nakaupo sa damuhan. Kahit pagkurap ay hindi ko magawa. I hardly bit my lower lip to suppress the loud sobs that coming from my mouth.



Walang buhay akong tumayo at nagpahid ng luha. Lumiko ako papuntang front yard. Sumisilip ang pamimitak ng araw at ang masakit na init nito sa balat.



The sun shines so bright but the brightness of it has always been the opposite of my day at this exact time. Ewan ko pero minsan ay hinihiling ko na sana naman ay gabi na lang palagi. Napayuko ako ng ulo at napapailing.



Gumigising lang naman ako para maghintay na naman na gumabi kaya ano pang silbi ng tanghaling 'to? Hindi ba pwedeng kahit ako na lang ang makakaranas na gabi na lang palagi?



I woke up feeling dizzy. My forehead creased when I noticed that I'm already in my bed. Paano ako napunta rito? Napasapo ako sa noo. Wala talaga akong maalala. Nasa front yard lang naman ako. Kaya paano ako nakarating dito sa kwarto?



Napasinghap ako nang mapansing nakabukas ang sliding door ng terrace. May tao?! Mabilis akong tumayo at sumilip sa terrace. My lips parted in shock when I caught Eerhia peacefully smoking. Hindi pa ako nito napapansin dahil nakatalikod siya sa akin. Kailan pa siya naninigarilyo?!



"Rhi..." I called her.



Parang wala itong narinig at nagpatuloy lamang sa paninigarilyo.



Naiinis akong lumapit at inagaw ang kumalahating sigarilyo na nasa bibig niya at agad itong inapakan. I looked at her in disbelief. I'm not disappointed if she's smoking. The thing is, she's being secretive. I knew she's been through a lot these days.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon