13

1.1K 61 11
                                    


Mintdale

HINDI ako makahinga ng maayos habang pinagmamasdan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa mga taong lumipas ay ngayon na naman ako nakasuot ng uniporme.


"Wow! Bagay sa'yo ang uniform mo, Ashi! Ang puti mo talaga 'no? I'm sure marami ang magsusubok na ligawan ka," natutuwang wika ni Eerhia.



Napaubo ako at napabusangot. Siguro nga pero kasusuklaman lang din naman nila ako kapag malaman nila kung sino ang Mama ko.



"Tara na!" excited na sambit ni Eerhia at nagmamadaling nagsuklay ng buhok.



Kahit kinakabahan ay natutuwa pa rin ako dahil hindi pa siya tuluyang nangibang-bansa para mag-aral do'n. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niyang pamimilit sa Mommy niya at napapayag niyang sa second sem na lamang siyang mag-transfer.



Dito na siya natulog kagabi sa mansyon dahil gusto niyang sabay kaming pumasok sa Mintdale sa first week ko roon. Hindi siya pinayagan ng Mommy niya ngunit napipilit naman ni Papa.



"Si White 'di ko ba dadalhin?"



Namilog ang kanyang mga mata at napatampal sa noo.



"Bakit kailangan pang isama ang alaga mong daga? You don't need White there! My gosh, pagtatawanan ka lang do'n!"



I flinched. Sabagay, marami na talaga ang judgemental ngayon. Saka nagaganahan kasi akong mag-aral kapag napagmamasdan ko ang cute kong alaga.



Sa loob ng ilang taon kahit minsa'y nahihirapan ako sa ibang subject, nakakalma ko ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid kay White at pagkatapos ay magkakaroon na ako ng gana na magpatuloy sa pagsasagot sa mga activities.



Dinala ko sa salas ang kulungan ni White habang nasa loob ito.



"Manang Glor, dito ko na lang muna ilalagay si White para hindi mo po makalimutan ang pagpapakain sa kanya."



Nangangatog ang mga tuhod ko pagbaba namin sa sasakyan ni Eerhia. Nasa malaking parking area kami at matatanaw ang iba na kakalabas lang din sa kani-kanilang sasakyan.



"Payo ko lang sa'yo Ashi, huwag kang magtitiwala sa iba kung magkakaroon ka ng mga kaibigan. Alam mo na, marami ang mga plastik ngayon. Besides, pwede ka namang sumasama-sama sa kanila paminsan-minsan kung pareho niyong gustong mag-shopping."



Hilaw akong napangiti. Tss, as if.



"You know that I won't do that, Rhi. Pagkatapos ng klase ay uuwi agad ako," malamig kong tugon.



"You're unbelievable. Imbes gumawa na ako ng paraan para hindi ka na palaging nagmumukmok sa kwarto mo pero taong-bahay ka pa rin talaga!"



Hinatid niya ako sa room ko at bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko kanina.



Nakayukong naupo ako sa pinakadulo. Pinaglalaruan ko lamang ang mga daliri ko at hindi nag-angat ng tingin. Wala pang prof at hindi ako nag-abalang makipag-usap sa ibang nandito.



Rinig ko ang mga hagikhikan ng mga babaeng nasa malapit lamang sa upuan ko. They're introducing themselves to each other pagkatapos ay nagkukwentuhan na tungkol sa kanilang mga favorite brand ng bags at ng mga make-up.



"Uy girl, robot ka ba? Gumalaw ka naman diyan," sambit ng katabi ko at kinalabit ako.



Kagat ang labing nag-angat ako ng tingin. Kinabahan ako sa naging reaksyon ng babaeng kumausap sa akin. Namimilog ang mga mata nito at nakanganga pa ng malaki.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now