05

1.5K 80 3
                                    


Unexpected


MASAYANG niyakap ako ni Eerhia. Bigla lamang siyang sumulpot sa likuran ko habang nanonood ako ng horror movie.



"Oh?" I boredly asked her.



"Pumayag na si Mommy na hindi na ako ipapakasal!" she shrieked in excitement.



"And?" nagtatakang tanong ko.



Hindi ganyan ang ugali ni Tita Erah. I'm sure pumayag lamang ito sa isang kondisyon.



"She wants me to accept the offer to study next year in abroad and continue my modeling there..."



Natutop ko ang aking labi. Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Thinking of not seeing her for months just made me feel solitude. And not just months. For sure, do'n na rin siya magtatapos sa pag-aaral.



"Really? What about Gav? LDR kayo?"



Nakangiting umiling siya.



"Actually, do'n rin siya mag-aaral!"



I bit my lower lip. How I wish time will pause and stop right now. May mga ilang buwan ko pa naman siyang makikita at makakasama pero sa susunod na taon ay hindi pa ako ready sa pag-alis niya.



She frowned.



"I know how you feel."



"Malamang. Gusto ko lang namang maging masaya sa'yo, Rhi. But you knew how fond I am with you..."



Tumili ako nang umupo siya sa hita ko. Ang weird!



"Pretty stepsis, mabait si Marcaun. Nagkausap na naman kayo, 'di ba? Magkakasundo kayo nun panigurado. Try to know him more," she said and smiled widely.



I raised my eyebrow.



"Yuck, 'di ako pumapatol sa babaero." I spat.



"Babaero?"



"Basta. Saka kinakabahan ako dahil natanong niya rin sa akin kung kaano-ano ba kita. Paano kung malaman niya ang apelyido ko?"



"E, ano naman ngayon? And to tell you honestly, he's not judgemental. Just tell him everything and he'll surely understand. Matalino 'yon kaya hindi 'yon basta-bastang naniniwala sa ibang bagay kapag hindi pa naririnig ang paliwanag sa kabila."



Humugot ako ng malalim na hangin. Hindi niya ako naiintindihan. Ayoko pang magtiwala sa iba lalo na sa isang lalaki.



Inabot kami ng hapon sa magdamag naming pagkukwentuhan. Hindi naman ako totally nakikinig, pinilit ko lang. Ang layo kasi ng iniisip ko. Paano kung nasa ibang bansa na si Eerhia? Paniguradong minsan na lamang kaming magkokontak dahil mas magiging busy siya do'n.



I rode on my motorbike at nilagpasan ang cafe. Gusto ko munang maglibot-libot habang pinapagaan ang pakiramdam.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now