34

1.2K 45 1
                                    


Still

HINDI nawala sa isip ko ang pagtatagpo namin ni Marcaun kahapon sa mall. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Hindi maipagkakaila na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawasan kahit isang katiting ang nararamdaman ko para sa kanya.



Pero mas masakit isipin na masaya na siya sa piling ng iba. He's better off without me. Napagkamalan niya pang anak ko si Rhian at niloko ko ang ama ng bata. I immediately wiped my tears when my phone vibrated.



As I read the text, I immediately grabbed my purse. Nagpaalam ako kay Manang Glor na kasalukuyang nakikipag-video call kay Jepjep. Nasa ibang bansa na kasi si Jepjep, sinama ng tunay niyang ina.



Hindi ko na nagawang magpaalam kay Rhian dahil paniguradong magtatampo na naman 'yon at matatagalan pa bago ako makaalis.



And because I'm with Rhian yesterday in the mall, as expected that there's so many people who concluded that she's my secret daughter. Isinawalang-bahala ko na lamang. Sanay na rin naman kaming mga artista na ma-isyu sa pangyayaring wala namang katotohanan.



Nakipagkita ako kay Nest sa Cefélicioso. I'm happy for him because he loves this small cafe just like me. Swerte kasi niya dahil magma-migrate ang may-ari nito sa ibang bansa kaya ibebenta nila ang cafe'ng 'to.



And he's so lucky that he's the first one who heard the news kaya agad niyang nakausap ang may-ari.



"Papalakihin ko pa 'to," masayang tugon ni Nest.



I smiled. "Kapag pumupunta ako dito Nest, dapat libre na ha?"



"Edi lugi kung gano'n."



I raised my eyebrow when he loudly sighed as he ruffled his hair.



"May problema na naman kayo ni Precy noh?"



"Yeah. Palagi naman talaga. I even thought of breaking up with her..." he said in a small tone.



Napasinghap ako ng malakas at mabilis na umiling. Gano'n lang? Susuko na agad siya dahil sa palaging hindi nilang pagkakaintindihan? I understand Precy very well, ang hirap kayang itago at i-deny.



"Do you love her?" seryosong tanong ko.



"I court her and–"



"Do you love her?" ulit ko.



Pinanliitan ko siya ng mga mata nang hindi agad siya nakasagot. Oh my God! Nasasaktan ako para kay Precy.



"Nest... you don't deserve her. Pinapaasa mo lang siya," madiin kong wika.



Napahilamos siya ng mukha at sinalubong ako ng tingin.



"I tried. I thought I don't have feelings towards you anymore but I'm still drowned by your presence. Hindi ko ginagamit si Precy para walain lang 'tong nararamdaman ko sa'yo. Minahal ko talaga siya pero mas lamang ka pa rin talaga..."



Naiinis akong umiwas ng tingin. I'm so frustrated! I don't want this kind of confession coming from Nest. Dati pa lang ay nililigawan niya ako at naging kami sa loob ng tatlong buwan pero ako ang nakipaghiwalay.



Walang nakakalamang sa nararamdaman ko para kay Marcaun dahil hanggang ngayon ay siya pa rin talaga. Hindi ko alam kung makaka-move on pa ba ako o baka tatandang dalaga na.



"Hindi 'yan tama, Nest. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Precy dahil lang sa'yo..."



Tumitingin-tingin ako sa mga bagong pumapasok dito. Marami ang mga matang nakatingin sa amin dito dahil hindi kami nakapag-disguise.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon