21

1.1K 51 1
                                    


Attracted

RINIG na naman ang mga bulungan nang sinundo ako ni Marcaun. Sa mga araw na nagdaan ay hatid-sundo niya na ako. Si Eerhia naman ay tuwang-tuwa sa nabalitaan niya. Minsan ay dinadalaw niya lang ako upang magtanong lang tungkol sa amin ni Marcaun.



"Uy Marcaun, akala ko ba nagkabalikan kayo ni Clarna?" nakangising tanong ni Precy at halatang sinadya pang lakasan ang boses para marinig ni Clarna na kung saan ay papalabas na rin.



"What? Matagal na kaming hiwalay," naguguluhang wika ni Marcaun.



"OMG! So..." Precy paused and faced Clarna. "You're just lying that the two of you are still together?"



Napasinghap ang mga nakakarinig. Kita ko rin ang pagsiko ng bakla kong kaklase sa kasama nito.



"W-Wala akong sinabi 'no," ani Clarna.



"Oh really? Ilang beses mo na ngang inaakusahan si Hasheine na nilalandi at inaagaw niya si Marcaun sa'yo. Too bad, matagal na palang walang kayo."



Hinila ko na si Precy paalis.



"Look, hindi kami ni Clarna. We already stopped communicating personally," rinig kong paliwanag ni Marcaun bago sumunod sa amin.



"Sabi ko na nga bang feelingera ang babaeng 'yon!" utas ni Precy.



"Hayaan mo na. Tutal napahiya na rin naman," nagkibit-balikat kong usal.



"Uuwi na ba kayo?"



"Oo. Ikaw ba?"



She checked her phone and sighed.



"Uh, pwedeng idaan niyo na rin ako sa bahay namin? Naka-leave kasi driver ko."



Nilingon ko si Marcaun at tumango naman ito.



"Sure," Marcaun replied.



Tahimik lamang si Precy sa back seat. When I looked at her through the rearview mirror, she's busy texting while the irritation is visible on her face.



"Argh! Kainis!"



Pareho kaming napalingon ni Marcaun sa kanya. She's acting weird at parang wala sa sarili.



"Okay ka lang ba diyan?" nag-aalala kong tanong.



She slightly nodded.



"Yup. Medyo nawala lang sa mood dahil sa ka-text ko," she answered.



Tumaas ang kilay ko? Maybe her boyfriend? Pero hindi ko alam kung may boyfriend ba siya. Parang wala naman talaga kasi.



"Thanks!" paalam nito nang makababa na.



Pagdating namin sa mansyon ay may tinapos akong painting. Tinulungan agad ako ni Marcaun na balutin ang mga naka-frame na painting. May kikitain kami ngayon na customers.



"You're so really talented. Teach me if you have time," he said in a humor tone.



Napatitig ako ng diretso sa mga mata niya. I awkwardly tilted my head before being hypnotized by his eyes.



"Yeah, sure. Pero hindi libre 'no."



He chuckled.



"Of course, Ashi. I can even double the pay, if you want?"



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon