30

1.1K 30 0
                                    


Dream

KAGAT-LABING nagyuko ako ng ulo at hindi na napigilan ang tahimik na maluha. May mga babaeng kaklase ang nagsilapitan kay Clarna na halatang nabigla sa nalaman.



They already knew that I'm the daughter of the well-knowned sweet pyscho. Walang prof ang papasok sa amin ngayong araw dahil Biyernes ngayon at sa Lunes ay 1st half exam namin para sa Finals.



"How did you know, Clarna?" malakas na loob kong tanong.



Ngumisi siya at lumingin sa mga blockmates naming nakikinig.



"See? I told you guys, it's not a fake news."



Sa sama ng loob ay hinila ko ang kamay niya kaya agad siyang napatingin muli sa akin.



"Kinakausap kita. Ba't ka pa nangialam? Nakaraan na 'yon na pilit ko nang nilimot," nagtitimpi kong wika.



Nakangiwing binawi niya ang kanyang kamay at tinulak ako kaya muntikan akong natumba kung 'di ko lang nabalanse ang sarili ko.



"Don't you dare touch me like that again! At anong problema do'n? Do'n ka na magalit if I'm spreading lies! It wil never change the fact that you shared the same blood with that murderer!"



"Tama na, Clarna. Baka biktimahin ka rin 'yan. Ika nga nila, like mother like daughter. Posibleng may kakayahan rin 'yang pumatay," ani ng kaibigan ni Clarna na si Lezia habang binigyan ako ng pandidiring tingin.



"Stop it, Lezia! Masyado naman kayong perpekto. Akala mo naman kung sinong santo! Alam ko pa namang nabuntis ka ng pinsan mo pero nagpalaglag ka! Gamitin kasi ang pagiging makati sa tamang lugar. Nadamay pa tuloy ang inosenteng sanggol!"



Halos lahat kami ay malakas na napasinghap sa nasabi ni Precy. Ang atensyon na nasa akin kanina ay nabaling kay Lezia.



"How dare you! Wala ka kasing ibang kaibigan kaya todo tanggol ka sa pa-victim na babaeng 'yan!"



Nakatayo lamang ako at hindi nakagalaw. Nagsimula nang magsabunutan sina Precy at Lezia. Do'n lamang ako nakagalaw nang biglang sinabunutan rin ako ni Clarna.



Nagsimula nang magsigawan ang mga blockmates namin. May iba na narinig ko pang inutusang tumahimik ang mga sumisigaw para hindi kami masita. They're not doing anything because they're just enjoying watching us fighting.



"Clarna! Aray ang sakit! Ano bang ginawa ko sa'yo?!"



Hawak-hawak ko ang dalawa niyang kamay na malakas na nakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay matatanggal na ang anit ko.



I want to fight back pero luging-lugi ako. Lalo na nang apakan niya ng malakas ang paa ko gamit ang matulis na takong ng kanyang sapatos. Mahinang naiyak na lamang ako habang nagpatuloy pa rin siya sa pinanggagawa sa akin.



Rinig ko ang pagkakataranta ng mga lalaki at nagtutulungang inihiwalay kami.



"Everyone! Prof Chi is coming! Ayusin niyo sarili niyo at manahimik na lamang. H'wag niyo kaming idamay sa gulo niyo dahil paniguradong tayong lahat ang ma-guidance!"



Hindi ako nakapaniwalang napatingin sa class president namin. Is she really our class president? How can she tolerate this kind of mess? Dapat kanina pa ay pinatigil niya na kami. Hindi yung pinatigil lamang kami dahil paparating na ang proof namin. This is so unbelievable!



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon