04

1.5K 84 12
                                    


Star

PAGOD kong mahinang ibinagsak ang ulo sa study table. Kakatapos ko pang mag-take ng exam sa lahat ng subjects. Studying online is not that easy. Ang sakit sa mata kakatitig ng matagal sa screen ng laptop. Parang gusto ko nang tumigil sa distance learning na 'to.



Kursong Fine Arts ang kinuha ko at hindi naman ako nahihirapan dahil gusto ko naman talaga. Ang sa akin lang ay hindi ako morning person kasi nga nakasanayan ko na ang matulog ng madaling araw. Kaya ang hirap gumising ng mga alas otso sa umaga. Sumasakit ang ulo ko.



Naghatid ng gatas si Manang Glor. Minsan lamang akong umiinom ng gatas at ayoko kapag may asukal. Kaya nagpatimpla ako ulit kahit konting asukal lamang ang inilagay ni Manang. Hindi ko talaga kasi gusto ang lasa kapag may asukal ang gatas, parang nakakasuka.



Nagkaayos na si Eerhia at ang boyfriend niyang si Gav. Palihim na lamang ang kanilang relasyon at ang tanging pinoproblema nila ay kung paano maiwasan ang pagpapakasal ni Eerhia sa lalaking ipinares sa kanya.



I just don't know with Eerhia. She said, she was raped with that guy. Pwede niya namang sampahan ng kaso pero mas gugulo lamang daw. Anak ng Vice-President ang lalaking 'yon kaya mahirap talaga.



"Hindi ka pa nakapag-breakfast hija. Kumain ka muna," pamimilit sa akin ni Manang at maingat nitong inilagay ang tray sa tabi ng ulo ko.



Nag-angat ako ng tingin at hindi napigilang yakapin ito. Mukhang nagulat ito at pati rin naman ako ay hindi inaasahan na ganito ang gagawin ko.



Nakaupo ako habang nakayakap sa baywang ni Manang Glor. I started sobbing as she gently combed my hair.



"Hindi ka ba natatakot sa akin? I'm weird and they say that my mother is a sweet psycho, a murderer..."



"Huwag mong isipin ang opinyon ng iba, hija. Ang mahalaga ay alam mo kung ano ang totoo."



I tightened the hug. I missed Mama so much. I missed her calming hug. Kung pwede nga lang na pumayag ako na magpagahasa na lamang.



"Maybe if I let my stepfather rape me, maybe, maybe... she's still here, alive."



Narinig ko ang pagsinghap ni Manang Glor. Wala naman kasi siyang alam sa buong pangyayari. Lalo na yung mga taong mapangmata ay talagang walang alam at siguro kung marinig man nila ang paliwanag ko ay marami pa rin ang hindi maniniwala.



"Kumain ka muna hija. Babantayan kita. Kung gusto mo ay isasama kita sa susunod na linggo sa amin. Ipapakilala kita do'n sa pamilya ko. Sa totoo lang, tuwing Sabado at Linggo ay nalulungkot akong iwanan ka rito."



"Sige Manang try kong sumama sa'yo next week."



Pagkaalis ni Manang Glor sa kwarto ko ay nagtungo ako sa painting room at inabot ng mga ilang oras sa pagpipinta.



Hindi pa ako kumain dahil wala pa naman akong ganang galawin ang pagkain na inihatid sa akin ni Manang. Wala talaga akong gana kahit nararamdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko.



Yung feeling na, gutom ka na pero wala ka namang ganang kumain kaya okay lang.



Habang nagpipinta ay bigla akong napatingin sa pulsuhan ko. Medyo nabubura na ang mga bakas ng hiwa. Hindi  naman kasi ako nagkakaroon ng peklat dahil gumagamit naman ako ng lotion na pampawala sa mga peklat. At effective naman.



Hindi nga lang ako sanay na makitang walang bakas ng galos ang pulsuhan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na tumayo at kumuha ng blade.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now