35

1.3K 43 0
                                    


Again

NAKASUOT lamang ako ng white robe habang nakapalibot ang puting tuwalya sa basa kong buhok. I stood inside my two-storey closet, with my arms clasped together while my foot tapping on the floor.



Dumiretso ako sa Cafélicioso dahil nando'n na si Nest. He's already the one who's handling the cafe. Sa loob lamang ng isa't kalahating buwan ay malaki ang pagbabago ng Cafelicioso.



Mas maganda na ang ambiance dahil sa kulay ng dingding at sa mga kumikintab na chandelier. Nest and I planned to take a break first. Napag-usapan naming hindi muna kami tatanggap ng mga kontrata sa isang pelikula.



Sa pagiging modelo muna siya magpo-focus habang ako naman ay sa aking art studio. Naibigay ko na kahapon ang mga bags na pinipintahan ko. Sapat na sa akin ang perang naiipon ko at wala na rin naman akong ibang panggagamitan.



Sa pagpipinta pa lamang ay malaki na ang perang natatanggap ko, dumagdag pa ang pag-aartista. Wala akong planong magpayaman ng bongga. As long as may pera ako, dapat may maitulong rin ako sa iba.



Kaya minsan, nakahiligan ko na rin ang magbigay ng donasyon sa mga taong may sakit o 'di kaya'y magpapa-aral ng mga estudyanteng walang sapat na pera para mabayaran ang kanilang tuition. After all, sharing is caring.



"By the way, may tumatawag sa akin kagabi. Naghahanap daw siya ng trabaho at nakita niya raw na naghahanap rin ako ng mga dishwasher. But I told her, may mga naka-apply na pero umiyak ba naman ng malakas. Need niya raw talaga ng pera para sa anak niyang may sakit sa puso. Naawa ako kaya pumayag na lamang ako."



Kinurot ang puso ko sa narinig. Ewan ko ba pero nasasaktan ako kapag may mga taong sobrang nahihirapan.



"What's her name?"



"She's on the way here. Makakapagsimula na rin kasi siya ngayon."



Nagbuntong-hininga ako at tumango.



"Maybe, I can offer a help for her child?"



"Ang bait mo talaga, Ashi. Kaya bilib na bilib ako sa'yo e!"



I remained calm and stoic after seeing the girl. Nasa table kami malapit sa entrance. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng babae at hindi ako nagkakamali, si Clarna talaga 'to.



She shyly introduced herself to Nest while she's avoiding locking our eyes.



"You need money for your daughter's condition, right?" ani Nest.



She nodded.



"Hasheine is willing to help you."



Napasinghap ng malakas si Clarna at pareho kaming nagulat ni Nest nang bigla siyang humagulhol ng malakas. Nakatakip ang dalawang palad niya sa kanyang mukha habang patuloy na umiiyak.



"Hasheine..." she called me.



I gave her a concerned look. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin noon ay hindi ko pa rin maiwasang maawa sa naging sitwasyon niya.



"Patawarin mo ako sa lahat ng nagwa ko. Pero... hindi ako tatanggap ng tulong mula sa'yo. Ayokong mas lamunin ng konsensya..." wika niya habang humihikbing nagpapahid ng luha.



"Matagal na kitang napatawad. Masaya ako dahil nagbago ka na..." I sincerely replied.



Muli siyang napahagulhol.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now