18

1.1K 54 3
                                    


Condo

INAABANGAN kong matapos si Marcaun sa pagbabalat ng nilagang itlog. Tapos na kaming kumain at tanging sardinas lamang ang ulam namin.



Pareho kaming matagal nagising kaya hindi na nakapagluto. Tanging pagpapakulo lamang ng itlog. Nandito pa rin ako ngayon sa condo ni Marcaun at dito na rin natulog.



Ang egg yolk lamang ang kinain ko at itinabi ang egg white. Napansin ko ang itinabi niyang egg yolk habang inuubos niya ang egg white.



"Ayaw mo sa yolk?" tanong ko.



"Yeah."



"Hala! Akin na!" I said gleefully.



Mabilis kong kinuha ito sa plato niya at agad nilagyan ng asin. Siya naman ay natatawang kinuha ang egg white na itinabi ko lamang.



"Why don't you like egg white? Favorite ko 'to," he said.



I rolled my eyes.



"Mas bet ko pa talaga ang egg yolk. Para kasing walang kalasa-lasa ang egg white. Ang plain kahit lagyan ko pa ng asin."



He shrugged.



"We're two hours late. Papasok ka pa ba?"



Agad akong umiling. Lunes pa naman ngayon pero absent kami. Kaya lang, ayaw makisama ng katawan ko. Tinatamad akong maghanda para pumunta sa Mintdale. Pero sisiguraduhin kong ito na talaga ang huli na liliban ako sa klase. Baka kasi malaman pa ni Eerhia. Iba pa naman 'yon kung mainis.



"Then, I won't attend classes also."



"Pumasok ka. Kaya ko namang umuwi mag-isa."



"Tinatamad ako ngayon."



Tumango ako. Kung pwede pa ngang hindi na mag-aral, e.



"Oo nga. Tigil ka na lang sa pag-aaral," natatawang biro ko.



Napangiwi siya at napapailing.



"Paano na future natin?"



Gulat akong natahimik. Umiwas ako ng tingin nang makita ang pagngisi niya ng malaki.



"H-Huh?"



"I mean, our future life. Kung titigil
tayo sa pag-aaral, ano na lang ang kahihinatnan natin for the near future?"



I awkwardly nodded. Pekeng napangiti ako at sumang-ayon sa kanya. Utak ko talaga ang weird!



Naghugas siya ng pinggan. Pumangalumbaba ako sa lamesa habang pinagmamasdan ang likuran niya. He's really masculine.



Habang gumagalaw ang kamay niya sa paghuhugas ay sumabay rin sa paggalaw ang muscles niya. Halatang-halata pa dahil nakaputing sando lamang siya.



Nilingon niya ako na nakakunot ang noo.



"If you're still sleepy, just take a nap."



"Sino bang nagsabi na inaantok ako?" I said but I can't help but to yawn.



"Tss."



Binuksan ko ang refrigerator at naglalaway na napatingin sa loob. Mahilig pala siya sa mga sweets dahil ang daming chocolates! Iba't-ibang tsokolate. Pero pansin ko karamihan ay Kitkat at Dairy Milk.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now