07

1.3K 72 3
                                    


Fragile

MAHINA kong pinagpapalo ang ulo ko gamit ang hawak na paint brush. Hindi ko maintindihan kung ano ang ipininta ko. Nagmukhang abstract tuloy. Paglingon ko ay nakangisi ng malaki si Eerhia.



"Hmm..." Eerhia hummed teasingly while changing looks at me and Marcaun.



Nasa terrace kaming tatlo. Ngayon pa ako nainis kay Eerhia dahil sinama na naman niya dito si Marcaun. Halatang palihim niya akong ipinapares sa kaibigan niya.



"What? Stop looking at us with that weird look, Rhi."



"So, how was he? Marcaun's great, right?"



Napasulyap ako kay Marcaun na tahimik lamang na nakatitig sa ipininta ko habang mahinahong ngumunguya ng chewing gum. He tilted his head and caught me staring at him.



"He's hardheaded," I replied.



"You're talking to yourself," pagsingit niya.



"By the way, nasabi sa akin ni Marcaun ang tungkol sa Kuya niya. Honestly, it's really better for yourself to see a psychiatrist..."



Masama ang tingin kong iginawad sa kanya nang magtagpo ang mga mata namin.



"No, I'm okay, Rhi."



Eerhia heaved a deep sigh and shook her head in disbelief.



"Kung okay ka, bakit mo sinasanay ang sarili mong maglaslas? Oh come on, Ashi, admit it that you're not really okay."



"Pero kita mo pa namang buhay pa rin ako," sarkastiko kong tugon.



Nakita ko ang pag-iling ni Marcaun habang nakatingin kay Eerhia na parang naiiyak na.



"Can't you see, Ashi? Sobrang nag-aalala ako sa'yo. Ayokong tumanda ka ng malungkot at nagtatago lamang sa mansyong 'to. Ano pang silbi ng pag-aaral mo kung sa huli ay hindi ka naman magkakaroon ng maayos na trabaho dahil tuwing gabi ka lang naman lumalabas. Ano ka, night shift na lang palagi?"



I sighed.



"I'm contented in painting. Besides, malaki-laki naman ang kinikita ko..."



"It's not just about your passion about painting. I just want you to see how beautiful the world is! I don't want you to die lonely!" Earhia frustratedly stated.



Nagulat ako sa pagsigaw niya. Napakagat ako ng labi nang hindi inaasahang makita ang pagbuhos ng mga malalaking patak ng luha pababa sa kanyang pisngi.



She harshly wiped it and walked out. Agad rin naman siyang sinundan ni Marcaun. Namataan ko ang paglabas nilang dalawa sa gate at ang pagsakay sa sasakyan.



Tahimik kong itinukod ang dalawang kamay sa railings habang nakapikit na ninanamnam ang hangin pero sa malamig na hanging dumidikit sa mukha ko ay siyang pagsakop naman ng mainit na luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko.



Mag-aala una na ay wala pa rin si Manang Glor. Sabi niya pa naman na pupunta siya dito ngayong Sabado dahil isasama niya ako sa kanila.



Bumaba ako para i-check kung nasarado ba ng mabuti ang gate. Papalapit pa lang ako ay may sasakyan na ang huminto at lumabas doon si Marcaun.



"Manang Glor asked me to accompany you. Ihahatid kita sa kanila."



Namilog ang mga mata ko.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now