32

1.1K 37 3
                                    


Black

IYAK ako nang iyak habang kinukwento lahat kay Eerhia. Alam niya na rin pala na matagal nang engaged si Marcaun kay Clarna. And that made me more vulnerable.



"Tinawagan ko na si Papa na pupunta ako diyan, Rhi..."



"Alam kong mahal na mahal ka ni Marcaun, Ashi. Talagang sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan?"



"Oo..."



Nang nasa airport na kaming dalawa ni Papa ay hindi ko naiwasang mapayakap sa kanya. Kahit hindi niya ako palaging binibisita, I'll surely miss him so much.



"Reach your dreams by your own, anak. I know, I'm not been a good father but I really love you. Tandaan mong palagi kitang susuportahan sa mga kagustuhan mo. I'm so proud that I have a tough daughter like you..."



Nakaupo ako sa tabi ng bintana. Kahit nakasuot ako ng wayfarer ay hindi ko pa rin ito inalis sa mga mata ko dahil hindi ko mapigilan ang patuloy na pagdaloy ng mga luha ko sa mata pababa sa pisngi.



Kanina, I'm really waiting for someone who will stop me by leaving the country. Pero paano niya naman malalaman? Wala akong sinabi sa kanya dahil hindi ko na siya kinakausap simula nang makipaghiwalay ako sa kanya. Iniiwasan ko siya hanggang sa makakaya ko.



I bowed my head and quickly removed my shades. Mabilisan rin ang pagpapahid ko ng luha sa pisngi. My cheeks are becoming so sticky. Gusto kong tumayo pero nahihilo ako lalo na't first time ko pa ngayon ang makasakay ng eroplano.



"Panyo oh," someone handed me his handkerchief.



My forehead creased when I sense that he's a bit familiar. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita. His hoodie is also familiar.



His eyes widened. Mukhang namukhaan niya rin ako base sa reaksyon niya.



"You're the one who's been bullied by girls, right?"



Napasinghap ako nang matukoy na siya nga 'yon.



"Sabi ko na nga ba at ikaw 'yon. I remember your jacket though," I muttered.



"Hmm, you're leaving the Philippines..." sabi nito habang inilagay ang earpods sa tainga.



"Ikaw rin naman."



Hindi ko maiwasan ang grabeng paninibago habang inilibot ang paningin sa buong paligid. I'm already here in JFK airport in New York. Kasalukuyan kong hinihintay si Eerhia sa pagsundo sa akin.



Gulat akong napalingon nang may yumakap sa akin. Agad kong niyakap si Eerhia pabalik habang pareho kaming nagtatalon.



"Char, New Yorker ka na rin girl?" she teasingly asked.



Mangha akong napapatingin sa bintana ng sasakyan habang nagbabyahe. Malaki talaga ang kaibahan ng ambiance dito kaysa sa Pilipinas.



Ang tinitirhan ni Eerhia ay nasa Greenwich Village. Nabigla pa ako nang salubungin kami ni Gav at siya na rin ang nagdala sa mga maleta ko.



"Hala, Rhi! Magkasama kayo?" pang-uusisa ko.



"Yeah. Pero as usual, hindi alam ni Mommy."



Nag-alala lang ako. Baka kasi biglang magpunta ang Mommy niya dito at makita si Gav. Saka, kaya pala nabuntis dahil nasa iisang bubong lang pala ang dalawang 'to. But I'm really sad for their baby though.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now