23

1K 58 1
                                    


Proud

NAKABUKAS at namimilog ang mga mata ko sa sobrang gulat habang magkadikit pa rin ang mga labi namin. Hindi ko magawang pumikit.



He's kissing me passionately even if I'm not responding to his kisses. Aksidenteng nahalikan niya na ako dati pero ito yung pangalawang halik niya sa akin. Totoong halik at ibang-iba sa pangalawang halik dahil hindi lamang smack kung hindi dahan-dahang gumagalaw ang kanyang labi.



Humihingal niyang idinikit ang noo niya sa akin. His kind of stare is like sucking my whole presence.



"I really want you to free yourself from your dark past, but not like this. I don't want you to be the center of attraction of the boys. Sobrang naiinis ako, Ashi..."



Lumayo agad ako sa kanya at nahihiyang napayuko. Hindi ako manhid pero pakiramdam ko may ibang kahulugan ang sinasabi niya. Paraan niya ba 'to para sabihing gusto niya ako? I don't want to assume though.



He already confessed to me last time but right now is quite different. Pagkatapos niya akong banayad na hinalikan ay mas dinagdagan niya pa ang nararamdaman kong kaba sa sinabi niya. I simply placed my palm on my chest while observing how my heart beat so fast.



"Are you drunk?" he asked and cupped my cheeks.



Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko nang makita ang mga kaklase kong nakatingin sa amin. They're eyeing us suspiciously.



Hindi rin naman nakatakas sa paningin ko ang hindi maipintang mukha ni Clarna. Hindi ko alam kung paano siya naging malapit sa puwesto namin. Hindi ko naman siya nakita kanina kaya nakakapagtaka kung ba't ang bilis niyang natagpuan kami.



Umiling ako at tinanggal ang dalawang kamay ni Marcaun sa pisngi ko. I stepped backward and avoided his gaze.



"Grabe ka naman, Caun. Isang beses nga lang akong uminom, lasing agad? Saka hindi nga rin kumakalahati sa isang baso ang nainom ko." I tried to act calm.



"Let's go. Wala kang dalang extra'ng damit at basang-basa ka pa. For sure, lalamigin ka mamaya. Here," he handed me his jacket. "Suotin mo 'yan para 'di ka ginawin."



Habang dumadaan kami ni Marcaun sa mga nagsisiksikang mga tao ay bigla akong nagtaka sa paglapit sa akin ni Clarna. I immediately closed my eyes as I received her slap.



"Clarna!" sigaw ni Marcaun.



"What Marcaun?! No'ng tayo pa ba ay nakikipagkita ka na ba sa babaeng 'to?! You cheated on me! You replaced me with this plain girl?! Ganito ba ang type mo? Maputi na sobrang plain at mukhang manang? Seriously?!"



"Clarna..." Marcaun uttered in a warning tone.



"Just admit it, Marcaun!"



"Nahihibang ka na ba? O may saltik ka sa pag-iisip? Siguro kung matagal na kaming magkakilala ni Ashi, e 'di sana noon pa ay wala na talaga tayo. You're too disappointing, Clarna. You knew I'm not into cheating stuffs." Marcaun stated frankly.



Nag-aalalang nilingon niya ako at muling binalingan si Clarna.



He sighed.



"Stop chasing me over and over again because we're really over. And let me correct you, naging tayo lang naman dahil sa kagustuhan ng mga magulang natin. I'm not into you even before. Our past is just a set up."



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now