37

1.2K 36 4
                                    


Papi

KAKAGISING ko pa lang nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. I grabbed my phone and checked the name on the screen. It was Precy.



"Good morning. Anong meron?"



"Pwede bang pakisundo si Marcaun dito sa condo ko? Kagabi ka pa nito bukambibig. May lakad pa naman ako ngayon baka iilan na naman ang mababasag nito."



"What is he doing in your condo unit?"



"Malay ko ba sa lalaking 'to! Nagpunta siya kahapon dito na lasing at humihingi ng tulong kung paano mapalapit sa'yo ng sobra. Until now, naglalasing pa rin. Pinagtripan ba naman ang mga nabili kong wine para sa sarili. Sige na, punta ka agad dito. I won't lock the door para mabuksan mo agad."



Napatulala ako ng ilang sandali habang pinoproseso ang mga sinabi ni Precy. Bukambibig niya ako? Gusto niyang mapalapit sa akin ng sobra? Bakit?



Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Naghilamos lamang ako at nag-toothbrush at nagmamadaling nagbihis.



I directly headed to Precy's condo unit. Pagbukas ng elevator ay natanaw ko agad ang pintuan ng unit ni Precy. Nahihirapan akong humakbang papalapit sa pintuan dahil pakiramdam ko ay may sariling utak ang kamay ko at bubuksan agad ito.



It's too early to witness his familiar figure.



Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad agad sa akin ang nakapatong na ulo ni Marcaun sa sofa habang nakaupo sa sahig. Ang mga wine na wala nang laman ay nakatumba na.



Lumapit ako sa kanya at mahinang tinapik ang kanyang balikat.



"Marcaun, Marcaun..."



He just groaned. Nang tapikin kong muli ang balikat niya ay mabilis niyang iwinakli ang kamay ko.



"May lakad ka. Umalis ka muna, Precy. I will just charge all the things that I broke yesterday," malamyos ang boses nito.



"I'm not Precy. Si Hasheine 'to Marcaun. Ano bang nangyari sa'yo?"



Mabilis pa sa alas kuwatro niya akong nilingon. His eyes widened as he hugged my legs.



"Totoo ba 'to? Ikaw ba 'yan, Ashi? Please... don't leave me."



Para siyang bata na ayaw bumitaw sa mga binti ko.



"Please... I've been waiting for you for fucking five years. I witnessed how happy you are with your life now. And maybe, you don't need someone like me anymore..."



Mabilis na tumulo ang mga luha ko nang mapagmasdan siya ng mabuti. His tears continued to flow also. Hindi mo lang alam Marcaun kung paano ko hiniling na kahit magkausap man lang tayo. Masilayan ka lang muli sa malapitan.



"Marcaun..."



"Kahit sa ngayon lang naman. H'wag mo naman akong ipagtabuyan. Ang hirap kapag tinatanaw lang kita sa malayo. Ang taas mo na e, parang ang hirap nang abutin."



"Lasing ka lang."



Hindi ko na narinig ang boses nito. Nakatulog pala. Inasikaso ko siya at binuhat para mapahiga ng maayos sa sofa.



I cleaned all the mess. Kaya natagalan akong natapos. Tumingin muna ako sa lamesa kung may natira pa bang ulam si Precy dahil nakaramdam ako ng biglaang pagkagutom. Luckily, meron pa.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now