39

1.2K 44 2
                                    


Real

NARINIG ko kay Precy na palagi siyang pinupuntahan ni Kian sa unit niya. Sa tingin ko naman ay matagal nang may gusto ang Kian na 'yon sa kanya kaya kinuha niya ang oportunidad na ligawan agad si Precy nang malamang wala na sila ni Nest.



Even no one knows about Nest love life's status, palihim ko palang nasabi kay Kian noon na girlfriend ni Nest si Precy. Kaya siguro hindi agad dumada-moves.



"Ikaw ha. Nawala lang ako, may bagong trending news na naman pala tungkol sa'yo. Dito niyo pa talaga sa cafe'ng 'to naisipang maglandian," ani Nest.



"Pasalamat ka na lang na mas malaki ang kita kapag nandito kami!"



"Sus. So, kumusta na nga ba kayo? May hindi ba akong alam?"



"Chismoso mo talaga, Nest."



Pero ang mokong ay inirapan lamang ako.



"Pakisabi na lang din sa Marcaun mo na gusto kong malaman ang number ni Gatha. Yung staff na kumausap sa atin no'ng nagpunta tayo sa private clinic niya."



Binigyan ko siya ng mapanuksong tingin.



"Iba na naman ang target? Hay naku talaga sa'yo Nest."



I continued having chitchat with Nest. Nagpaalam naman agad ako nang tinawagan ako ni Marcaun. We're informed na malapit na ang upcoming releasing schedule ng pelikula namin. And the trailer was already uploaded and immediaty earned half million in just for six days.



I was so excited. I even felt so glad for the congrats gifts that I keep receiving from my fans and friends.



Pinagbuksan ako ng gate ng dalawang guard namin. They're the one who parked my car also dahil lumabas agad ako ng sasakyan.



Papasok pa lamang ako sa loob ay mabilis na sinalubong agad ako ng yakap ni Rhian. I roamed my eyes and tried to find Marcaun's presence.



"He's in your room, Mommy!"



Malakas akong napatili nang pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ko ay sinalubong ako ng confetti. Anong meron?



Natutop ko ang aking labi nang makita ang iba't-ibang klase at hugis ng cake na nakapatong sa kama. May malaking tarpaulin rin na nakadikit sa pader na may nakasulat na 'Congrats for the another achievement.'



"Mas lalong sisikat ka na naman sa bagong pelikula niyo. Congrats nga pala, Ashi. I'm always so proud of you."



"Grabe ka! Kaninong cake 'yan? Ba't ang dami?"



He just heartily chuckled and got his phone.



"Just try some random pose and post the pictures in your instagram account. Gusto ko sanang mag-post rin ng mga larawan mo. Pero tiyak na masisira ang imahe mo lalo na't may bagong pelikula pa naman kayo ni Nest. Kaya dapat mabango ang relasyon niyo ni Nest sa mata ng mga tao."



My heart flinched. I want to tell him that I don't care. He can post a picture of me if that what he wants. But he's right. Dapat mabango ang pangalan namin ni Nest sa karamihan. Gano'n naman talaga para mas mapagtuunan ng pansin ang pagpapalabas ng pelikula namin.



The days flew so fast. Marcaun and I limit ourselves from seeing each other. Hindi ko na kasi alam kung anong nangyari sa mga tao. Parang biglang naging mabangis. Kung ano anong ini-expect nila ay dapat 'yon rin ang gusto nilang mangyari.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now