28

1K 38 0
                                    


Boyfriend

NAG-TEXT sa akin si Marcaun na didiretso na siya sa condo niya at hindi niya na ako masusundo dito sa building ng department namin. Medyo nagtataka lang ako dahil nasanay na ako na kahit busy siya ay hindi niya ako hinahayaang umuwi mag-isa.



Ayokong mag-isip ng ibang meaning kaya isinawalang-bahala ko na lang. Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko sila Clarna kasama ang mga kaibigan niya. Sinadyang binangga niya ako kaya nabitawan ko ang hawak na mga libro.



A smirk escaped on Clarna's lips before turning her head away and confidently walked out.



Nagmamadali ko na lang pinulot ang mga libro. Hays, sana naman gumulong ang Clarna'ng 'yon sa hagdan. Hindi deserve ng mga libro ko ang ginawa niya. Malaki pa naman ang presyo ng bawat libro na 'to.



"Let me help you..."



A stranger helped me picked the books. Napakunot ako ng noo nang makita ang porma nito. Nakasuot ito ng hoodie at sunglasses. Nasa loob naman kami kaya... where is the sun ba?



"I saw that girl. She purposely do it, right? Binu-bully ka ba nun?"



Umiling na lamang ako. Tolerable pa naman ang ginagawa nila sa akin. Sana nga ang pagbangga na lang ni Clarna sa akin ang gagawin niya. H'wag na ang magbitaw ng mga masasakit na salita.



"Salamat..."



The guy just nodded.



Kasalukuyan akong nagpapara ng taxi at agad kong napansin sa 'di kalayuan at hindi maiwasan ang magulat nang makita si Marcaun na may kasamang babae habang bitbit ang malaking bouquet. Mapait akong napangiti at mabilis na tumalikod. I thought he's on the way right now on his condo...



Pagkauwi ko ay diretso akong pumasok ng kwarto. Hindi ko na nagawang magmano at i-greet si Manang Glor.



Pag-upo ko sa kama ay siyang pagdaloy naman ng masaganang luha pababa ng pisngi ko. Unti-unti akong napahikbi. He's courting me but he's with someone? Pagod na ba siyang maghintay sa akin? Titigil na ba siya sa panliligaw sa akin.



I opened my laptop at binuksan ang Skype. Nawala ang pagod na nararamdaman ko nang makitang online si Eerhia. Pilit akong napangiti nang sinagot niya ang tawag. After a couple of months ngayon ko pa siya makakausap muli.


"Kumusta na?" panimula ko sa basag na boses.



Hindi ko maiwasang magulat sa naging itsura niya. Halatang-halata ang eyebags niyang nangingitim. From what she looks, she's obviously lack of sleep and stressed for the past days.



She shrugged and shook her head.



"Trying to forget things..."



Napalunok ako at masugid siyang pinagmamasdan. Mukhang problemadong-problemado siya. Ilang buwan ba namang wala akong balita sa kanya kaya expected nang marami ang nangyari sa loob ng buwan na 'yon.



"Naghiwalay kayo ni Gav?" panghuhula ko.



Mabilis siyang umiling at nagpahid ng luha. My heart flinched. Noon pa man ay ayokong makita si Eerhia na umiiyak. Nasasaktan rin ako.



"Kami pa rin pero masyado nang komplikado ang lahat, Ashi... Everything is frustrating me."



"Ayy, gago pala ang Gav na 'yon! I thought he's good for you Rhi, but what just he did?! Pinapaiyak ka lang?!" galit kong usal at hindi na napigilan ang sarili.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now