09

1.3K 72 3
                                    


Cinema

NANATILI akong walang emosyon habang pinagmamasdan ang reaction ni Marcaun nang makapasok sa painting room ko. He amusedly roamed his eyes around the room.



"Just fucking wow..." he commented.



Napatutop ako ng labi pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Naiilang na nagpahid ako ng pawis sa noo. Naka-on naman ang aircon kaya hindi ko alam kung bakit pinagpawisan ako. E, hindi nga ako naiinitan.



Laglag ang pangang napatingin ako kay Marcaun. Hindi ko agad nakuha ang inilahad niyang panyo kaya siya na mismo ang nagpahid sa pawisan kong noo gamit ang panyo niya.



His forehead creased and tried to caress my forehead.



"Malamig ang pawis mo," usal niya.



"Malamang, naka-aircon e."



"Naka-on nga pero pinagpapawisan pa rin naman."



"Saan ba ang bet mo diyan? Pili ka na at nang makaalis ka na rin dito," pagsusungit ko.



He frowned. "Sungit."



"Alam mo, pansin ko na talagang feeling close ka na sa akin. Baka crush mo na ako niyan, ha?" I joked.



"So? What's the problem with that?"



I gasped in horror. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Is he trying to make fun of me?



"Just kidding. And uh, it's probably awkward for both of us, lalo na sa'yo. But it's just kind of admiration of how talented you are."



Napasinghap ako ulit. So, he's trying to say that he's really admiring me?



"Can I have this one? How much is this?"



Mabilis akong napailing at inagaw ito sa kanya. Ako ang nasa painting. Isa itong portrait ng mukha ko hanggang leeg. Nakaside-view ako dito habang nakapusod ang buhok at may iilang hibla ng buhok ang natira.



"Hindi 'to kasali 'no! Para sa akin lang talaga 'to. Asa ka naman."



"Sayang. But I really want that," he cutely muttered while pouting his lips.



Napanganga naman akong napatingin sa kanya. Nakakapanibago lang kasi palagi naman siyang seryoso at ngayon ko pa siya nakitang nakanguso ng ganito.



I shook my head.



"Mukha ko 'to, e. Baka pagnasaan mo pa!" I teasingly exclaimed.



Well, we're actually friends. Minsan ay bumibisita siya rito na naka-uniform pa na hindi niya kasama si Eerhia. At first, medyo nakakailang. Pero nasanay na rin naman ako. Bukod kasi kay Manang Glor ay naaaliw akong nakakausap si Marcaun. Madalas ko rin kasi siyang tinatanong tungkol sa pag-aaral niya at sa university nila.



"Hindi pala pumupunta rito si Manang Glor tuwing weekends?"



"Oo. Dapat talaga na umuwi rin siya sa kanila."



He nodded. "Yeah. By the way, Eerhia told me to invite you to come with us in Taguig. May nagbubukas kasing float-in cinema do'n. She bought tickets already for all of us."



"Kailan ba?"



Hindi ko pinapahalatang excited ako. Hindi ko pa talagang naranasan na pumunta sa isang sinehan. At mas lalong nagiging kuryoso ako sa sinasabi niyang float-in cinema.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now