22

1K 49 0
                                    


Foam Party

SINADYA kong matagal gumising tutal walang pasok dahil may whole day meeting ang mga prof namin. Nakangiting pinagmasdan ko ang natutulog na si White sa munting kama sa kulungan nito.



Nagtimpla ako ng gatas at pinaresan ng sandwich. Lumabas ako at nagtungong front yard para mainitan. Paubos na ang iniinom kong gatas nang marinig ang ilang beses na tunog ng bell. Kung si Manang Glor ang nasa labas, may duplicate na susi naman siya sa gate.



I placed the cup in the small table and opened the gate.



Hindi ako nakakibo nang bumungad ang galit na mukha ni Tita Erah. She's intently looking at me in full anger.



"Kunsintidor ka! Bakit hinayaan mo lang na magbalikan si Eerhia at si Gav?! Alam mo pala!"



Nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito, dahilan na napatalon ako ng mahina sa kinatatayuan ko.



"W-Wala po akong alam, Tita..."



"Anong wala?! Ikaw pa nga raw ang nag-udyok sa kanila na magbalikan! Dinadamay mo pa talaga si Eerhia, Hasheine! Ang laki ng pangarap ko para sa kanya tapos sunod-sunuran lang pala sa'yo?!"



Bumigat ang paghinga ko. Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ni Tita Erah. Wala akong alam sa mga pinagsasabi nito. Sobrang naguguluhan ako.



"Anong nag-udyok, Tita? Hindi ko po alam ang pinagsasabi mo," nakayukong wika ko.



"Tumahimik ka, sinungaling! Si Eerhia mismo ang nagsabi sa akin. At simula ngayon, hindi na siya makakalapit sa'yo!"



Napanganga ako sa narinig. Anong sinabi ni Eerhia sa kanya? Ayaw mag-sink in sa isipan ko. Why would she do that? Ayokong maniwala dahil hindi naman talaga kapani-paniwala!



Tulala pa rin akong nakatayo sa gate kahit nakaalis na si Tita Erah. I lifted my head to stop the tears that forming on the edge of my eyes, but I fail. Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng malalaking patak ng luha sa pisngi ko.



Medyo napangiwi ako sa sakit sa tuhod nang bigla lamang akong napaluhod ng malakas sa semento. Hindi ko mabilang kung ilang segundo akong naka-ganoon lamang.



While closing my eyes, I felt the warm hands on my shoulders, guiding me to stand. Mas lalo akong naluha nang makita si Marcaun.



"Your knees..."



Napatingin ako sa tuhod kong may galos na at may bakas ng dugo. Nakasuot kasi ako ng dolphin shorts kaya masama ang pagtama nito sa semento.



"Let's go inside."



"Anong nangyari sa tuhod mo hija?" nag-aalalang tanong ni Manong Glor.



"Galos lang po, Manang," sagot ko at sabay na kaming pumaitaas ni Marcaun upang magtungo sa kwarto.



Tahimik niyang ginagamot ang tuhod ko. Lumipad na naman ang isipan ko sa sinabi ni Tita Erah. Totoo ba talaga ang pinagsasabi ni Tita? I'm hoping that she's just lying. Eerhia is not capable of betraying me. But I just don't know. What if, nagsasabi talaga ng totoo si Tita Erah?



"Si Eerhia ba talaga ang-"



"Stop thinking about that for now, Ashi."



"Paano nga kung totoo?"



He shrugged.



"Then just be calm with it. For sure, she has a reason."



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now