Chapter 67

1.3K 46 5
                                    

Dumating naman na ang araw kung kailan kailangan na talagang umalis ni King para sa pinapagawa sa kanya ng kanyang ama. Magkasama at magkatabi silang dalawa ni Scarlet sa loob ng sasakyan habang pinagmamaneho naman silang dalawa ni Kelly na katabi si Cindy sa passenger seat.

Napansin ni Scarlet ang pananahimik ni King sa kanyang tabi, pinisil niya ang kamay nito na kanyang hawak at agad itong napatingin sa kanya.

"What's wrong, love? Are you okay?"

Nag-aalalang tanong ni Scarlet sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti at hinalikan ang likod ng kamay ng kanyang nobya.

"Yes, my love. I'm fine, why did you asked?"

"Because you're too quiet and that's very unusual to me."

Sagot naman niya sa tanong ni King sa kanya.

"Is that so? I'm just going to miss my love because I won't be with her for a long time."

Lumungkot naman ang mukha ni Scarlet ng ma-realize niyang matagal nga palang mawawala si King at matagal niya itong hindi makakasama. Mamimiss niya ng higit pa sa sobra ang kanyang nobyo pero ayaw naman niya itong pigilan sa mga bagay na gustong ipagawa sa kanya ng ama nito. Iniisip niya kasi na baka sinasanay na si King ng ama niya since ito ang susunod na magiging head of the family.

"I'm going to miss you so much, King. As much as possible, I don't want to be sad because I don't want to hinder you from going. Pero hindi ko rin naman mapigilang hindi malungkot kasi matagal kitang hindi makakasama."

Malungkot na wika ni Scarlet bago isandal ang kanyang ulo sa balikat ni King. Nilalaro naman ng isang kamay niya ang kamay ni King na kanyang hawak.

Hinalikan ni King ang kanyang ulo at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Aminado rin naman siyang mamimiss niya ng sobra ang kanyang nobya, gusto niyang hindi sundin ang kanyang ama ngunit si Scarlet na mismo ang nagtutulak sa kanyang gawin ang pinapagawa nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa airport, dumiretso sila sa area kung saan naghihintay ang private plane na sasakyan ni King.

Bumaba silang apat sa kotse habang mahigpit naman ang pagkakahawak nila King at Scarlet sa kamay ng isa't-isa na para bang ayaw na nilang magbitaw pa.

Hindi muna sumakay agad si King sa private plane, hinarap niya muna si Scarlet na hindi makikitaan ng mga luha sa mga pero alam niya na sobrang nalulungkot ito ngayon.

Tinignan niya sina Cindy at Kelly, tinanguan siya ng dalawa bago sila naglakad palayo sa magkasintahan.

"I'm going now, my love. I want you to know that I love you so much damn much with all of my heart, soul, and mind. Going away for a month without you by my side makes me sad already. If only I can take you with me, but I can't. Wait for me, okay? I will come back for you."

Sinserong sambit niya kay Scarlet na tahimik na nakikinig sa mga salitang sinasabi niya habang nakatitig ito sa kanyang mukha.

Titig na titig si Scarlet sa mukha ni King, kinakabisado niya ang mukha nito kasi hindi niya ito makikita ng mahigit isang buwan. Kung pwede nga lang niyang pigilan ito sa pag-alis ay baka noon pa niya ginawa.

"I'm going to miss you too, my King. I promise that I will wait for you, but promise me too that your heart is still mine once you come back here."

Natigilan si King sa mga binitawang salita ni Scarlet. Hindi niya maisip kung bakit ito nasabi ng dalaga. Ngunit isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at bahagya siyang tumango.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon