Chapter 51

4.3K 125 18
                                    

This chapter is dedicated to:
kyutienhice

Thank you so much loving, supporting, and reading this story! Love lots! 💛

— —

Muling tumahimik ang lahat dahil sa huling sinabi ni Scarlet. Nararamdaman nila ang pagiging sinsero nito sa bawat salitang binanggit. Nararamdaman din nila na gusto nitong gampanan ang pagiging queen sa nasabing university.

"What's happening here?"

Nabasag ang katahimikan nang biglang pumasok si Christopher na may kunot na noo. Marahil ay nagtataka ito dahil sa nadatnan niyang katahimikan.

"We're just having a bit of discussion about Scarlet's plans in saving the students inside the university."

Tugon ni Ms. Dianna sa kanya.

Tinanguan lamang siya ni Christopher at agad na binalingan nang paningin ang anak niyang dalaga na wala paring imik.

"What are you planning, princess?"

Tanong niya kay Scarlet na tahimik parin. Tinignan siya nito at sinagot ang katanungan niya.

"I'm planning to save them as soon as possible, dad."

"I see. But I'm not going to allow you yet."

Sagot ni Christopher sa kanya na nakapagpakunot nang noo ni Scarlet.

Nagtataka siya kung bakit ayaw siyang payagan nang sarili niyang ama. Inaasahan pa naman niya na ito ang unang susuporta sa kanyang plano, ngunit nagkakamali siya. Hindi niya inaasahan na isa rin pala ito sa hahadlangan siya sa desisyon at plano niya. Nasaktan siya sa naging tugon sa kanya ni Christopher. Disappointed siya kasi umasa siya ito ang unang uunawa sa kanya, pero hindi pala.

"What?"

Maikli at hindi makapaniwalang tanong niya.

Kahit si Lauren ay nagtataka kung bakit ganun na lamang ang naging sagot ni Christopher sa kanyang anak. Kahit siya, inaasahan niya na ito ang unang susuporta sa mga plano at desisyon ni Scarlet.

"I'm not going to allow you yet, princess. It's too dangerous, what if you get hurt while saving them?"

"That's why we're currently discussing about the plans and strategies, dad. And I don't care if I get hurt while fighting with that lunatic, I just want to save the students. I just want to do what I can to save them and to do my purpose as their queen."

Seryoso at sinserong tugon ni Scarlet sa kanyang ama.

"I understand that you just want to do your role as their queen, princess. But I want you to understand that I don't want you to get hurt and I know you're not yet ready to use your physical strength because you haven't trained it yet."

"Dad, I am fully ready. I know to myself that I am ready for this. Just like what I said, I don't care if I get hurt or not. What matters most is that I saved them."

Tahimik lamang na nakikinig ang mga High Council pati na rin si Lauren sa sagutan nang mag-ama. Ayaw naman nilang sumingit kasi seryosong nag-uusap ang dalawa. Ang isa ay nag-aalala at ginagampanan lamang ang tungkulin niya sa kanyang nag-iisang anak. Ang isa naman ay isang anak at kilalang reyna ng university na handang gawin ang lahat para iligtas ang mga estudyante, kahit pa ang kapalit nun ay ang pagsuway sa kanyang ama.

"I understand that, I'm just worried that you might get hurt. You're my princess and I don't want you to get hurt."

Sinserong sambit ni Christopher sa kanyang anak.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon