Chapter 82

757 25 1
                                    

This chapter is dedicated to:
ultrmega and nicolecole07

Thank you so much for reading my story, sweeties! I truly appreciate your love and support. 💛

".. hindi ko kayang makita na umiiyak at nasasaktan yung nag-iisang anak ko, Theon. Ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko rin, gagawin ko ang lahat basta wag lang siyang masaktan. Ganun ko kamahal ang anak ko."

Seryosong tugon ni Christopher kay Theon.

Mahal na mahal niya ang kanyang nag-iisang anak, handa niyang gawin ang lahat basta wag lang itong masaktan. Hindi niya talaga kakayaning makita na umiiyak at nasasaktan si Scarlet dahil inilayo niya ito sa isang taong nagpapasaya rito.

Tinitigan lamang siya ni Theon bago ito bahagyang natawa, para bang hindi siniseryoso ang mga sinabi niya.

Binaba niya ang kanyang hawak na kopita sa kanyang mesa at tinignang maigi si Christopher.

"Okay, let's just say that you don't want your daughter to experience a heartbreak. So that means you want her to experience the same way what Freia experienced before?"

Nakangising wika ni Theon sa kanya. Isa namang realization ang bumagabag sa buong pag-iisip ni Christopher dahil sa sinabi ng kanyang kausap ngayon.

"Christopher, I just want to remind you that Freia died because both of you chose to continue what was against the prophecy. The same thing will happen to your precious daughter if we're not going to stop them as soon as possible."

Pagpapatuloy ni Theon sa kanyang sinasabi.

Hindi naman agad nakatugon si Christopher, natulala na lamang siya sa mga sinabi ng kanyang kaharap na para bang sinampal siya nito ng isang mabigat na katotohanan.

"T-That's what I mean.. I will never let my daughter experiences what her mother experienced before!"

"Pero parang yun ang gusto mong mangyari sa kanya, Christopher. Aware na aware ka sa prophecy, pero gusto mo paring magpatuloy ang dalawa? Hindi ba't parang gusto mo rin siyang mam—"

"No! H-Hindi ganun ang gusto kong mangyari, Theon.."

Pasigaw na pagtugon ni Christopher kay Theon.

Napapailing na lamang si Theon habang may isant ngisi sa kanyang labi. Inabot niya ang kanyang kopita at inubos ang inumin niyang dugo.

"Then let's do our best to stop their relationship, Christopher. We're doing this not for our own benefit, but this is what's best for them."

Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ni Theon ay agad rin siyang umuwi sa mansyon. Maraming gumugulo sa isip niya, bigat na bigat rin siya sa kanyang nararamdaman at sa naging desisyon niya.

Dumiretso siya sa lumang kwarto ni Scarlet, binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang ang kwartong matagal nang hindi nagagamit ng kanyant anak. Umupo siya sa kama at kinuha ang lumang picture frame, nakalagay ang lumang litrato nilang mag-ama. Tinitigan niya ito at hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.

"I'm so sorry, anak.. I'm sorry.."

Lumuluha niyang wika habang nakatitig sa lumang litrato nilang dalawa.

End of Flashback..

Bumuntong-hininga si Cassandra pagkatapos marinig ang kwento ng kanyang anak.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon