Chapter 63

1.8K 55 5
                                    

This chapter is dedicated to:
prexyann_0101

Thank you so much for voting and appreciating this story! It means a lot to me. 💛

Namula ang mga pisngi ni Scarlet pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni King, nahihiya siya dahil sa mas marami ng estudyante ang nakikinig at nanonood sa kanilang dalawa. Saglit siyang umiwas ng tingin sa binata ngunit ng muli niya itong tignan ay tinaasan niya ito ng kilay na siyang ipinagtaka ni King.

"You're too cheesy and sweet, love. I'm currently having a goosebumps."

Mapang-asar na wika niya sa kanya nobyo habang nakangisi pa ang kanyang mapulang mga labi. Naitinaas naman ni King ang kanyang kilay dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya.

"So you're telling me that I'm cringey?"

"Oops, wala akong sinabi na ganyan."

Mapang-asar ulit na wika ni Scarlet sa kanya habang nakataas pa ang dalawa nitong mga kamay. Napangisi na lamang si King dahil sa pagiging mapang-asar ni Scarlet ngayon, kaya bigla na lamang niyang hinapit ang bewang nito papalapit sa kanya. Kung magkalapit na silang dalawa kanina ay mas malapit na sila ngayon sa isa't-isa, yung tipong mahihiyang dumaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa.

Nagulat naman si Scarlet dahil sa ginagawa ng kanyang nobyo, muling namula ang kanyang mga pisngi dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Sinusubukan niya itong itulak palayo sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil sa mas malakas si King.

"H-Hey! You're not allowed to do this here!"

Nahihiyang sigaw niya kay King na tinawanan lamang siya dahil sa kanyang reaksyon.

"Why? Do you prefer us to do this in private? We can go to our headquarters and continue this love affection, baby."

Mapang-akit na bulong ni King sa kanyang tenga kaya mas lalong namula ang mga pisngi ni Scarlet at walang-sabi na piningot ang tenga ng kanyang nobyo.

"O-Ouch, love! It hurts!"

Pagpupumiglas ni King sa pagkakapingot ni Scarlet sa kanyang tenga. Agad namang binitawan ni Scarlet ang tenga niya dahil napansin niyang namula agad ito, habang nagpipigil naman ng tawa ang mga estudyante na nakapaligid sa kanilang dalawa. Hindi kasi nila alam kung dapat ba silang matawa dahil si Scarlet lang ang nakakagawa ng ganun kay King o dapat ba nilang pigilan ang kanilang mga tawa dahil sa gusto pa nilang mabuhay.

"Why did you that?! It really hurts."

Natawa naman si Scarlet dahil sa sinabi ni King, nakakunot parin kasi ang mga noo nito habang minamasahe ang tenga na kanyang piningot kanina. Naawa naman siya sa kanyang nobyo kaya nilapitan niya ito at mabilis na hinalikan sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni King habang mga pigil at impit na tili naman ang kanilang narinig sa paligid mula sa mga estudyanteng kanina pa pinapanood silang dalawa.

"My love, you kissed me.."

Nakangiting wika ni King habang nakatitig kay Scarlet, inirapan at tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga.

"Yeah, I did."

"Can I ask for another kiss please, my love?"

"No, once is enough."

"That's so unfair, what about my needs?"

Nagmamaktol na namang tugon ni King sa kanya. Natatawa siyang napatingin sa kanya nobyo at napapailing dahil sa sinabi nito.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon