Chapter 85

543 21 3
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Scarlet ng malanghap niya sa hangin ang isang pamilyar na amoy. Dahil dito, agad-agad siyang tumayo na kinagulat at pinagtagaka ng mga kasama niya.

"Scarlet, what's wrong?"

Nag-aalalang tanong ni Marcus sa kanya, ngunit hindi naman niya ito pinansin.

Nagmamadali siyang lumapit sa bintana para sumilip at tignan ang paligid. Pero sa isang pamilyar na lalake natuon ang kanyang mga paningin, mas lalong siyang nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Unti-unti namang namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.

Dahil nga sa hindi siya sinagot ni Scarlet, curious rin siyang tumingin sa labas ng bintana at doon niya nakita ang lalakeng matagal nang hinihintay ng dalaga.

"That's King, he's back.."

Hindi makapaniwalang wika ni Lauren habang nakatingin rin siya mula sa bintana.

Bago pa man makausap ni Marcus si Scarlet ay wala na ito sa tabi niya. Nakita na lamang niya itong mabilis na tumatakbo sa labas habang papalapit kay King.

"Ngayong bumalik na si King, sa tingin ko kailangan natin ng panibagong plano."

Seryosong wika naman ni Kelly habang nakatanaw kila Scarlet at King na mahigpit ang yakap sa isa't-isa.

"Kailangan nating makausap agad si Tito Theon."

Napalingon naman sila sa biglaang pagsasalita at pagsulpot ni Cindy sa likod nila. Ngayon na lamang kasi ito muling nagpakita at nagparamdam pagkatapos ng kaguluhan sa Sun Campus.

"Cindy, where have you been?"

"Nagpalamig lang ako ng ulo, Dustin. Ayoko namang saktan si Scarlet, pero ginagawa lang naman ito para sa kapakanan nilang dalawa."

Tugon ni Cindy kay Dustin na kadarating lang rin habang kasa-kasama parin ang kanyang nobya na si Brianna.

Napatingin naman silang lahat kay Brianna na narinig ang lahat ng sinabi ni Cindy. Bago pa man sila makapagreact at idepensa ang isa't-isa ay tipid na ngiti ang binigay ng dalaga sa kanilang lahat.

"Napaliwanag na sakin ni Dustin ang lahat. I already knew na gusto niyo lang silang iligtas sa prophecy na nakikita ng mga nakakatandang bampira."

"Now, what's our next plan?"

Tanong naman ni Lauren kay Marcus na tahimik lamang na pinapanood ang biglaang reunion nila Scarlet at King.

"Kailangan nating makausap si dad at si tito Christopher. Kayo na bahala kay dad, ako na kakausap kay tito."

Tinalikuran niya silang lahat at lumabas na ng classroom. Samantalang napapailing na lamang sila sa ginawa ni Marcus.

"Mahirap 'to. Love triangle pa nga ata."

Napapailing na sambit ni Kelly.

Samantala, sina Scarlet at King naman ay hindi parin lumalayo sa isa't-isa. Kanina pa sila magkayakap at parang walang balak maghiwalay.

Hindi napigilan ni Scarlet ang kanyang sarili sa pagluha habang yakap-yakap parin ng mahigpit si King. Miss na miss na niya ito, mahigpit dalawang linggo na rin kasing hindi siya nakakatanggap ng text messages o calls mula sa binata.

"Why aren't you answering my messages and calls? Are you ignoring me?!"

Sunod-sunod na tanong niya kay King na may halong pagtatampo.

Hinaplos lamang ni King ang dalaga at mahigpit rin itong niyayakap. Nakabaon ang kanyang mukha sa leeg ni Scarlet at nilalanghap ang amoy nito na talaga namang sobra niyang namiss.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon