Chapter 68

1.3K 39 8
                                    

Tinatanaw ni Christopher ang papaalis na kotse kung saan nakasakay si Scarlet, pinahatid nalang niya ito sa personal driver niya para hindi na nito kailangan pang magcommute. Mabilis naman silang kumilos dahil sa isa nga silang bampira, pero hindi nila laging ginagamit ang kakayahan nila na yun kasi gusto parin nilang mamuhay ng simple na parang isang normal na tao.

Naiwan silang dalawa ni Cassandra sa loob ng pamamahay niya.

"You already knew about it, right?"

Tanong ni Cassandra sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya dahil sa tanong na ito.

"Yes, ma."

"Pero bakit wala kang ginagawa para pigilan yun? Hindi mo ba naisip na malaking gulo na naman ang mangyayari, Christopher? Gusto ko lang ipaalala sayo na kapakanan ng nag-iisang anak mo ang nakasalalay dito, paniguradong hindi rin ito magugustuhan ni Freia kung nabubuhay pa man siya hanggang ngayon. Alam mo yan."

Pangangaral ni Cassandra sa kanyang anak.

Muling napabuntong-hininga si Christopher dahil sa pangangaral sa kanya ng kanyang ina. Hinarap niya ito at tinignan na may lungkot sa kanyang mukha.

"I know everything you said, ma. Alam kong mangyayari ulit ang nangyari noon, pero di ko naman kayang tiisin na yung nag-iisa kong anak ay malungkot ng sobra dahil sa ilalayo ko siya sa nag-iisang rason kung bakit sobrang saya niya ngayon. Bilang ama niya, ang hangad ko lang naman ay patuloy siyang sumaya."

Makabagbag-damdaming tugon ni Christopher kay Cassandra.

Kahit na sino namang magulang ay gusto lang naman nilang maging masaya ang kanilang anak, kasi yun lang rin naman ang nagpapasaya sa kanila bilang magulang. Yan ang nararamdaman ngayon ni Christopher. Gustuhin man niyang pumagitna sa dalawa ay hindi niya kayang gawin kasi ayaw niyang makitang nalulungkot ang kanyang nag-iisang anak.

Napapailing na lamang si Cassandra pagkatapos marinig ang naging tugon ni Christopher.

"Paniguradong matagal na itong alam ng mga Dietrich at ng Senate. Anong gagawin mo kapag kumikilos na pala sila ngayon?"

"Kakausapin ko si Theon, paniguradong namang maiintindihan niya ako bilang isa rin siyang ama."

Desididong sagot ni Christopher.

"Hindi madaling mapapayag si Theon, Christopher. Alam mo yan. Hindi madaling pakiusapan ang buong Dietrich. Sa tingin mo ba papayag nalang sila ng isang pakiusap? Hindi yun ganun kadali, anak."

"Ma, alam ko. Alam kong istrikto ang pamilyang yun pagdating sa mga batas na kailangang sundin sa community. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba? Susubukan kong gawin para sa kapakanan ni Scarlet, para sa anak ko."

Seryosong tugon ulit ni Christopher kay Cassandra.

Pagkatapos niyang magsalita ay katahimikan ang bumalot sa pagitan ng mag-ina. Walang umiimik sa kanilang dalawa, pawang nag-iisip sila ng iba pang paraan para mapapayag ang pamilyang Dietrich sa naiisip na pakiusap ni Christopher.

"Kung hindi ka kasi nagmahal ng isang Dhampir, edi sana hindi ito mangyayari sa anak mo."

Inis na biglang wika ni Cassandra, dahilan para matigilan si Christopher.

Namula ang dalawang mata ni Christopher dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tinignan niya ito ng masama at naglakad palapit dito.

"Matagal nang patay si Freia, ma. Pero hanggang ngayon, sinisisi niyo parin siya sa nangyari ilang dekada na ang nakakalipas? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ako nga ang may kasalanan dito, isisi niyo na sakin ang lahat basta wag lang sa pinakamamahal kong babae! Ang tagal na niyang wala, please naman patahimikin niyo na siya."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon