Chapter 65

1.5K 54 1
                                    

Lumipas pa ang sumunod na araw, hindi na nasundan pa ang nangyaring pagpana kay Scarlet. Hindi rin naman sila napapanatag hanggang ngayon kahit na hindi na ito nasundan pa, hindi rin kasi nila alam kung kailan ba ulit ito mangyayari o baka may iba pa palang plano ang taong may gawa nito. Isang buwan nalang rin ang lilipas ay gaganapin na ang midnight ball, hindi na rin maiwasang mainis ni King sa kanyang ama dahil sa pinapaalis na agad siya nito para personal na imbitahan ang mga dadalong bisita sa engrandeng pagtitipon na magaganap.

"Kuya, father's going to be so angry kapag hindi mo sinunod yung utos niya sayo."

Pangungulit ni Marcus sa kuya niya na sundin ang pinapagawang utos sa kanya. Hindi na rin mapigilang mainis ni King dahil sa paulit-ulit na pangungulit nito sa kanya, kung pwede nga lang niya itong sakalin para manahimik na ay baka matagal na niyang nagawa.

"Can you please stop pursuading me to do that, Marcus? Stop forcing me to do it because I will still never do it no matter what that old man's going to say. He has a lot of people to do that job, why does it has to be me?"

Naiinis niyang tugon kay Marcus na kanina pa siya kinukulit.

Tama rin naman si King sapagkat marami naman talagang katiwala ang kanilang ama pero bakit siya pa ang naisipan nitong utusan? Alam niya kung gaano makapangyarihan ang kanilang ama at kaya nitong imbitahan ang kanyang bisita ng hindi inuutos sa kanya na gawin ito.

"But kuya—"

"Shut up, Marcus. I don't want to hear another word about that midnight ball."

Pagputol ni King sa pagsasalita ni Marcus. Agad na napatahimik ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa mga salitang binitawan niya. Naiwan naman si Marcus sa loob ng opisina na malalim ang iniisip. Kailangan na niyang mapapayag ang kanyang kuya kasi kung hindi, siya naman ang lagot sa kanilang ama.

Kunot-noong pumasok ng classroom si King na agad ring napansin ni Scarlet na wala ito sa mood. Nilapitan niya ito at hinaplos ng dalawang kamay ang mga pisngi nito, habang iniiwas naman ni King ang kanyang mga mata sa dalaga. Ayaw niya kasing nag-aalala ito sa kanya.

"Hey. What's wrong, my love?"

Nag-aalalang tanong ni Scarlet sa kanya habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang mga pisngi nito, tinititigan niya ito para alamin kung ano ba ang nararamdaman nito. Kilalang-kilala na kasi talaga niya si King, kapag sobrang inis o galit ito ay hindi talaga nagsasabi sa kanya. Naiintindihan naman niya ang kanyang nobyo, ngunit minsan hindi niya maiwasang hindi malungkot kasi kahit gusto niya itong tulungan ay hindi niya dahil sa hindi nga niya alam ang gumugulo sa isip nito.

"It's just about the old man, love."

Maikling tugon ni King sa dalaga.

"Hm? What about your father? Is he okay? Did something bad happened to him?"

Nakatitig parin na tanong ni Scarlet sa kanya.

Sa tagal na nilang magkasintahan ay kahit isang beses hindi pa niya nakikita ang ama ni King. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mapaisip kung anong klaseng ama ba ito sa dalawang anak niya. Ngunit nararamdaman niyang may pagka-istrikto ito dahil na rin siguro sa pag-uugali ni King, naniniwala kasi siya sa kasabihang "Like father, like son."

"The old man wants me to start traveling across the globe to personally invite his guests for the midnight ball. I just don't really want to do it, love.."

"Bakit ayaw mong gawin?"

"It's because I don't want to be far away from you again. I always want you to be right next to me, beside me. Where I can see and feel that you are secured and safe because you're with me."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon