Chapter 54

4K 141 16
                                    

This chapter is dedicated to:
dalliacorpuz21_

Thank you so much for supporting my story and also for waiting to this new update! 💛

— —

Sa pagpapatuloy nila Scarlet at Lauren sa direksyon na papunta sa field ay marami pa silang nakasalubong at napatay na mga nosferatu pati na rin mga sanguine. Wala namang kahirap-hirap sa kanilang dalawa na patayin ang lahat ng makakasalubong nila, lalong-lalo na si Scarlet na parang nag-eenjoy pa sa kanilang ginagawa. Hindi man lang ito makikitaan ng kaba o takot, mukha pa nga itong excited. Dahil na rin siguro sa kadahilanang gusto na niyang matapos ang gulo na sinimulan ni Monica sa loob ng university at paniguradong gusto na talaga nitong makita si King.

Ang ibang bampira na kanilang mga nakasalubong at napatay ay mga estudyante na paniguradong nabaliw na sa naging sitwasyon nila sa loob ng university. Nasisigurado nila na may mga namatay ng mortal dahil para sa isang teenager na bampira ay mahirap pigilin ang pagkauhaw nila, lalo na't hindi sila pinapakain ni Monica.

Pagkadating nila sa bukana ng field ay mas maraming nosferatu at sanguine ang bumungad sa kanilang dalawa.

"Mukhang ito na ata ang panghuling batch ng mga bampirang nandito sa loob ng university, Scarlet."

Wika ni Lauren sa kanya.

"Can you finish them all, Lauren? I just can't wait to kill Monica right now."

"Do whatever you want to do, queen. I can handle these weaklings."

"Very good, hanapin mo na rin ang iba pang royalties kung saan man sila tinago at kinulong ni Monica. Also, kailangan nahinga ka pa mamaya ah."

Nakangising sambit ni Scarlet bago niya ito iwan sa harap ng mga bampirang masasama ang tingin sa kanilang dalawa.

Agad na naglaho sa kanilang paningin si Scarlet at naiwan na lamang si Lauren na nakangisi sa kanilang lahat.

"Let's take it easy, okay? I don't want to get sweaty."

Maarte nitong wika sa mga nosferatu at sanguine. Sabay-sabay naman siyang sinugod ng mga ito at walang pag-aalinlangang dukutin ang mga puso ng mga nakalapit na sa kanya.

Si Scarlet naman ay nakapasok agad sa loob ng field, ang unang bumungad sa kanya ay ang mga mortal at bampirang estudyante na magkakasama. Lahat ay hinang-hina na dahil sa gutom at uhaw, ang iba namang mortal ay patay na.

Isang estudyante ang nakakita at nakilala siya mula sa malayo. Nanlaki ang mga mata nito at malakas na sumigaw.

"Si Scarlet! Nandito na si Scarlet!"

Sigaw nito habang tinuturo si Scarlet. Dahil dito ay naagaw ang atensyon ng lahat at agad na napatingin sa dalaga.

"Nandito na si Scarlet para iligtas tayo!"

"Ililigtas na niya tayo!"

"Scarlet! Tulungan mo kami!"

"Parang awa mo na! Hindi na namin kaya yung takot!"

"Takor na takot na kami, Scarlet!"

Iba't-ibang sigaw at daing ang naririnig ni Scarlet mula sa estudyante. Halos lahat ay umiiyak sa tuwa at takot, pero mas marami paring mga mortal ang umiiyak dahil sa takot na kanilang nararamdaman.

Hindi maiwasan ni Scarlet na malungkot at masaktan sa kalagayan ng mga estudyante at sa pinagdaanan nila sa mga kamay ni Monica. Ngunit mas lalong nabuo ang galit niya para kay Monica dahil sa mga pinaggagawa nito sa mga kawawang estudyante na dinamay niya sa kabaliwan na sinimulan niya.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon