Chapter 88

507 18 3
                                    

Naiwan si King at ang Royalties sa sala, walang umiimik kahit isa sa kanila. Kahit pa ang dalawang madaldal na sina Kelly at Cindy ay hindi magawang magsalita kasi ayaw nilang sila ang pagbuntungan ng galit ni King. Hindi man kasi ito magsalita ngayon ay ramdam na ramdam nila ang galit nito.

"Since when did you start being an ally with my father, Royalties?"

Pagbasag ni King sa katahimikan at tensyon na kanina pa namamagitan sa kanilang lahat. Ngunit kahit na nagsalita na siya, wala paring balak sumagot sa kanyang tanong. Iniisip kasi nila na baka mali ang maisagot nilang lahat at mas lalo pang uminit ang ulo ng hari nilang kanina pa nagtitimpi sa lahat ng nangyayari.

"You're not going to answer my quest—"

"Even before he sent you out of the country with the fake task that he gave you."

Seryosong tugon naman ni Lauren sa kanya bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin.

Lahat ng kasama ni Lauren ay nagulat sa biglaan niyang pagsagot at pagputol pa sa sasabihin ni King. Siya lang talaga ang naglakas-loob na sagutin ang kanilang hari ng ganyan, maliban rin kay Scarlet.

"So you've been betraying me even before I left, huh? I thought your loyalty is only mine, but I guess my father bought it from you. Maybe he told you some flowery words to make you agreed with his plans."

Sarkastikong tugon ni King sa kanilang lahat bago ubusin ang alak na iniinom niya.

Hindi man niya sabihin sa kanilang lahat na disappointed siya ay ramdam nilang lahat yun. Simula ng naging parte sila ng Royalties, dapat ang kanilang pagiging tapat ay kay King lang at wala ng iba pa. Siya lang ang susundin nila maliban sa mga magulang nilang lahat.

"We admit that we betrayed you, but we agreed to do this with your father because we know that this is the right thing to do."

"Right thing to do? To separate a couple who's deeply in love with each other?"

"No, to witness our friends suffer physically and mentally when the prophecy finally manifested if we didn't stop it from manifesting in your lives."

Madiin at seryosong tugon at wika ni Dustin kay King.

Sa ngayon ay wala ng pake si Dustin kung nagmumukha man siyang walang respeto sa harap ng kaibigan niyang kinikilala bilang "hari." Gusto lang niyang sabihin at ipakita kung ano ang tunay na nararamdaman niya dahil sa pagiging matigas ni King. Parang hindi kasi pumapasok sa isip nito kung bakit kailangan nilang tulungan sina Theon at Christopher, para bang hindi niya maunawaan yung pinakadahilan ng plano nila.

"But that doesn't changed the fact that all of you betrayed me and Scarlet. I was expecting that you will take my side and help me stop them from their plans, but I was wrong."

"King, hindi mo ba talaga kami maintindihan? Hindi mo ba talaga maunawaan yung rason kung bakit kailangan naming gawin ito? Para kasing hindi mo man lang isipin at unawain ng maigi yung mga pinagsasabi naming lahat simula pa kanina. Parang sarili mo lang ang iniisip mo, lalong-lalo na yung nararamdaman mo para kay Scarlet."

Hindi na napigilan pa ni Kelly ang kanyang sarili at tuluyan na rin siyang nagsalita. Napipikon na rin kasi siya sa mga walang kwentang rason ni King sa kanilang lahat. Puro nalang kasi tungkol sa kanya ang rason niya at hindi niya man lang naiisip ang kapakanan nilang dalawa ng nobya niya.

Mas lalo namang nainis si King sa mga sinabi ni Kelly sa kanya. Seryoso niya itong tinignan habang nakakunot ang kanyang noo.

"You don't know what I feel because you haven't experience being in love, Kelly. That's why you don't have the right to say that to me."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon