Chapter 70

1.1K 32 3
                                    

This chapter is dedicated to my sweeties who keep on supporting me and my stories! Thank you and I love you all so much. 🥺💛

— — —

Pagkadating nila Dustin at Dale sa loob ng underground facility ay agad nilang dinala sa laboratory room ang duguang estudyante na nakita nila sa loob ng storage room. Tinawag na rin ni Dale sina Scarlet para ibalita sa kanila ang kanilang nakita.

Agad-agad naman na nagpuntahan sina Scarlet, Lauren, at Cindy sa laboratory habang naiwan naman sina Gwen at Jenn para bantayan ang mga estudyanteng mahimbing parin ang pagkakatulog.

Pagkadating nilang tatlo sa laboratory, dumiretso si Scarlet sa babaeng estudyante na wala paring malay hanggang ngayon. Kunot-noo niya itong tinitignan at sinusuri.

"Bakit puro dugo siya sa katawan? Ano bang nangyari sa kanya?"

Tanong niya kila Dustin at Dale habang sinusuri parin ang babaeng walang-malay.

"We don't really know what happened to her. I just heard her crying inside the storage room, decided to open the door, and saw her crying silently with a lot of blood around her body. She's actually scared when she saw us."

"Ang akala rin niya ay sasaktan namin siya. Siguro ay may nangyaring hindi maganda sa kanya bago namin siya makita."

Tinanguan lamang niya ang dalawa.

Dumako ang kanyang paningin sa leeg nito. Katulad nang nakita ni Dustin kanina ay may tatlo itong butas sa leeg, mas lalong kumunot ang noo niya dahil dito.

"Kailan pa naging tatlo ang mga pangil nating mga bampira? Bakit may tatlo siyang butas sa leeg?"

Kunot-noo niyang tanong sa kanila habang tinititigan ang tatlong maliliit na butas na sugat sa leeg ng babae.

Lumapit naman sina Lauren at Cindy para tignan rin ang leeg ng babae.

"Parang hindi galing sa pangil ang isang sugat, parang sinadya itong tusukin."

Wika naman ni Cindy habang tinitignan ito.

"Cindy's right. It looks like a thick and long needle was injected to her after being bitten by a vampire."

Pagsang-ayon naman ni Lauren sa sinabi ni Cindy.

Mas tinitigan pa ni Scarlet ang tatlong sugat, iniisip niya kung sino ang maaaring gumawa nito sa babaeng estudyante na may galit sa kanya. Ngunit wala naman siyang maalala na may nakaaway siyang ibang tao, ang huling nakaaway niya ay si Monica na matagal na niyang pinatay. Imposibleng muli itong mabuhay, kasi sinunog na niya ang puso nito.

Bigla ring pumasok sa isip niya ang taong gusto siyang panain, maaaring ito rin ang salarin kung bakit biglang nagpuntahan sa Sanguis University ang mga sanguine at nosferatu vampires. Pero hindi niya rin naman ito kilala at hindi niya rin alam kung ano ang motibo nito kung bakit gusto siya nitong patayin.

"Dustin, anong oras ba darating si Brianna? Kailangan na natin siya dito ngayon na, siya lang kasi ang pwedeng tumingin sa kalagayan nitong kawawang estudyante na ito."

Sambit niya habang kunot parin ang kanyang mga noo.

"I'm already here, Queen!"

Nakangiting wika ni Brianna mula sa pinto ng laboratory, nasa likod naman siya sina Kelly, Josh, at Marcus.

Kumaway sina Kelly at Marcus kay Scarlet nang dumako ang kanyang paningin sa kanilang tatlo. Tinanguan lamang niya ang mga ito at muling tinuon ang atensyon sa babae.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon