Chapter 87

510 22 2
                                    

Pagkatapos ng napakahabang pag-uusap nila tungkol sa kanilang plano, hating-gabi na ng matapos sila. Palabas na sana silang lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si King na may pagtataka sa kanyang mukha dahil sa kanyang nadatnan.

"What's going on? Why are y'all here?"

Kunot-noo niyang tanong sa kanilang lahat. Mas lalo pa siyang nagtaka kung bakit nandito at kasa-kasama ng mga kaibigan at ama niya ang tatay ng nobya niya. Hindi na nga dapat siya nagtatanong kung anong mayroon kasi alam naman na niya na paniguradong nag-uusap ang mga ito ng plano para sa kanilang dalawa ni Scarlet.

"Theon, I'm going now. Royalties, it was very nice to finally have a talk with you."

Pagpapapalam ni Christopher sa kanila, habang nabaling naman ang atensyon niya kay King na nakakunot parin ang noo.

"King, where's Scarlet? Ligtas mo ba siyang nauwi sa bahay?"

Seryosong tanong niya kay King.

Nagulat naman ang binata ng bigla siyang tanungin ni Christopher. Hindi naman alam ng mga Royalties kung tatawanan ba nila ang tense at gulat na mukha ni King dahil sa biglaang pagtatanong ni Christopher sa kanya. Ito kasi ang unang beses na makita nilang ganito ang kanilang kaibigan.

"Yes, sir. She's safe."

Magalang na tugon naman ni King kay Christopher.

Tinanguan lamang siya nito at sunod na binalingan ay si Marcus na tahimik lang ring nakikinig sa kanilang dalawa.

"Marcus, let's talk again soon."

Kung kanina ay seryoso niyang kinakausap si King, kay Marcus naman ay kabaligtaran. Nakangiti si Christopher sa kanya na para bang natutuwa ito sa kanya. Napansin rin naman ng mga Royalties ang magkaibang pakikitungo niya sa dalawang magkapatid.

Siniko ni Kelly si Cindy at binulungan ito.

"Wala na, talo na talaga si King."

"Alam mo, ang daldal mo. Yari na nga tayo kasi nahuli at naabutan niya tayo dito, tapos mas lalo tayong mayayari kapag narinig niya yang sinasabi mo. Manahimik ka na nga lang dyan, unggoy."

"Sungit naman nito, ang ganda mo talaga kausap eh 'no?"

"Alam kong maganda ako, shut up."

Pati sa kalagitnaan ng tensyon ay hindi talaga maiwasang magbangayan ng dalawa.

Nginitian naman ni Marcus si Christopher bago siya tumango at sumagot sa kanyang sinabi.

"Yes po, tito. Just let me know kung kailan po. Ingat po kayo sa pagmaneho pauwi."

Pagkalabas ni Christopher sa mansyon, agad na binalingan ni King silang lahat habang seryoso na ulit ang kanyang buong mukha.

"What was that? What happened again when I was not around, dad? Are you planning something again that will ruin my relationship with Scarlet? Well guess what, I knew that you sent me away so you could tear us apart!"

Galit na wika ni King kay Theon na wala man lang reaction na makikita sa mukha nito. Inaasahan na kasi naman talaga niyang malalaman rin agad ni King yung plano niya sa kanilang dalawa ni Scarlet. Ngunit iba na ngayon, hindi lang ang mga Royalties ang kasabwat niya dahil pati na rin si Christopher ay kasama na rin niyang nagpaplano ngayon.

"King, calm down. Tito has a valid reason why he did th—"

"Shut up, Dustin! I thought you guys are our friends, but why are you all helping this madman? Especially you, Marcus, you're my own brother and you should be helping me rather than this old man."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon