Chapter 49

4.9K 155 5
                                    

This chapter is dedicated to:
myselftobetrue

Thank you so much for your comment and for reading this story, sweetie. 💛

— —

Nakatanaw at naghihintay parin si Lauren sa susunod na gagawin ni Scarlet. Ngunit nakarinig siya ng kaluskos malapit sa pwesto niya at nalingat ang kanyang paningin mula kay Scarlet. Nilapitan niya ang kumakaluskos sa mataas na damo, agad niya itong hinawi at isang puting kuneho lamang ang bumungad sa kanya.

'Akala ko kung ano na..'

Muli siyang bumalik sa pwesto niya kung saan niya tinatanaw ang kanyang kaibigan. Ngunit ng tignan niya ulit ito ay wala na sa kanyang pinagtataguan si Scarlet.

"Where is she?"

Tanong niya sa kanyang sarili habang palingon-lingon sa paligid.

"AAAAAAAAA!"

Isang malakas na sigaw nang isang lalake ang gumulat sa kanya. Agad niyang pinuntahan ang pinanggagalingan nung sigaw, bumungad sa kanya ang mga bakas ng mga paa. Hindi ito mula sa putik, kundi ito ay pulang-pula dahil sa dugo. Sinilip niya kung ano nang ginagawa ni Scarlet sa kawawang lalake.

Dahan-dahang nilalapitan ni Scarlet ang lalake na takot na takot sa kanya. Pulang-pula kasi ang mga mata nito, natulog pa ang butil ng mga dugo mula sa mga kamay niya pati na rin mula sa kanyang bibig, kitang-kita rin ang matatalas na mga pangil nito.

"S-Sino ka?.. Wag kang lalapit s-sakin!"

Nauutal sa takot na sambit ng kawawang lalake.

Hindi naman siya sinagot nang dalaga, bagkus para itong may inaamoy sa paligid habang nakangisi. Naaamoy ni Scarlet ang dugo niya, talagang takam na takam na itong makatikim nang dugo ng isang mortal.

"Napakabango ng dugo mo."

Nakangising wika ni Scarlet na mas lalong nakapagpatakot sa lalake.

"H-Huwag mo kong patayin, p-parang awa mo na.. Kunin mo na lahat ng alaga ko!"

Pagmamakaawa ng lalake sa kanya.

Ngunit binalewala lamang ni Scarlet ang pagmamakaawa niya na yun, bagkus ay mabilis itong kumilos nakarating sa harapan niya at namalayan nalang niya na sinasakal na siya ng dalaga.

Sobrang higpit ng pagkakasakal ni Scarlet sa kanya habang siya'y nakasandal sa pader, gamit lamang ng dalaga ang isang kamay nito at walang kahirap-hirap siya nitong inaangat habang sakal-sakal siya. Unti-unti ng nagiging maputla ang lalake dahil sa kakapusan ng kanyang hininga.

Nakangisi naman siyang pinagmamasdan ni Scarlet, hindi man lang ito nakakaramdam nang awa. Ang tanging alam lang niya ngayon ay maibsan ang kauhawan niya sa dugo ng isang mortal, hindi kasi siya makuntento sa dugo ng mga kambing na pinatay niya dahil sa mas gusto at mas kailangan niya ang dugo ng isang mortal.

Mas hinigpitan ni Scarlet ang pagkakasal sa kawawang lalake, sa sobrang higpit ng pagsakal niya ay nababali na niya ang mga maliliit na buto at ugat nito sa leeg kaya may mga unting dugo na lumalabas sa bibig nito. Gamit ang isang kamay, pinahid niya ang dugo ng lalake na galing sa bibig nito. Inamoy na muna niya ang dugo na nasa kamay niya, isang napakalapad sa ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Napakabango pala talaga ng dugo ng isang mortal."

Nakangising wika niya.

Pagkatapos niyang amuyin ang dugo ay dinilaan niya ito mula sa kanyang kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang gulat na gulat ito sa lasa ng dugo na kanyang tinikman. Para siyang nakakain at nakatikim ng isang napakasarap na putahe.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon