Chapter 58

3.1K 89 4
                                    

"What's the difference of that capsule to other human capsules?"

"Exactly, kamukhang-kamukha lang naman yan ng mga gamot na iniinom nitong mga mortal."

"Paano naman niyan matatanggal ang bloodthirst natin? Eh napakaliit lang niyan, imposibleng matulungan tayo niyan."

Sunod-sunod na tanong ng mga estudyante sa mga Royalties pagkatapos nilang makita ang itsura ng blood capsule. Halata sa karamihan ng mga estudyanteng kaharap nila ay nag-aalinlangan sa kakayahan ng kanilang pino-proposed na pansamantalang alternatibong paraan para mapawi ang uhaw nila sa dugo ng mga hayop, lalo na nang mga mortal.

"Sinabihan na ba namin kayong magtanong na ngayon? Wala pa diba? So shut your mouth and listen first. Hindi pa nga kami tapos sa mga sinasabi namin pero kumokontra na agad kayo, tss."

Napipikon na saway ni Cindy sa mga estudyanteng umaangal at tumutol na agad sa kanilang plano. Pero dahil sa ginawa niyang iyon ay muling tumahimik ang loob ng auditorium, ang kaninang mga kuda at daldalan ng mga bampirang estudyante ay biglang nawala dahil sa pagtataray at pagsasaway ni Cindy sa kanila.

Tinanguan at nginitian naman ni Scarlet si Cindy dahil sa pagsasaway niya sa mga estudyante. Hindi sila humingi ng tulong sa mga Vanguards na kasama nila kasi paniguradong hindi sila magkikinig sa mga ito. Napakababa kasi ng tingin ng ibang bampirang estudyante sa mga estudyanteng mortal na kanilang nakakasama sa iisang university. Iniisip nila na mahihinang nilalang ang mga ito na hindi kayang depensahan ang kanilang mga sarili sa uri nila.

"Let the other Royalties talk first before you bring out your thoughts about this creation. I will grab your heart out of your body if I hear one word that comes out of your mouth."

Seryoso at walang emosyon na banta ni King sa kanilang lahat ng nakikinig.

Lahat ng estudyante ay kinabahan na agad sa kanyang simpleng pagbabanta, alam kasi nila na kayang-kaya yun gawin ni King sa kanilang lahat kahit nasa loob pa sila ng university. Bakit? Kasi silang Royalties ang kasalukuyang namumuno sa loob ng SU habang ginagabayan at tinutulungan sila ng mga High Council. Si King at Scarlet rin kasi ang namumuno sa kanilang lahat ng bampira, kapag sinubukan nilang suwayin ang dalawa ay buhay nila ang magiging kapalit sa ginawa nilang pagsuway. Isa rin yan sa mga pinirmahang kasunduan ng kanilang mga magulang noong napili silang i-enroll sa Sanguis University.

Hangga't maaari kasi ay gustong panatilihin ng mga Royalties ang katahimikan at kapayapaan sa loob ng university, naging inspirasyon sa kanilang lahat ang ginawang panggugulo ni Monica noong ilang buwan na ang nakakalipas. Ayaw nilang maulit ito kasi ayaw rin nilang may madamay pang mga inosenteng estudyante.

"Since hindi kayo makapaghintay at nagtanong na agad kayo, sasagutin na namin yung mga tanong gumugulo sa mga tuyo at makikitid niyong mga utak."

Sarkastiko ngunit seryosong wika ni Kelly sa kanilang lahat.

Natatakot ang lahat sa pagiging seryoso ni Kelly sa kanilang harapan, ito kasi ang unang beses na makita nila na maging seryoso ito. Friendly at approachable kasing lalake si Kelly, hindi nila akalain na mas nakakatakot at nakaka-intimidate ang buong pagkatao nito kapag seryoso.

"Ano nga ba ang pinagkaiba ng blood capsule sa mga capsule na iniinom ng mortal? Malamang ito lasang dugo, ang capsule ng mga mortal ay lasang mapait na gamot. Ganun lang kasimple, commonsense nalang yan eh. Ano bang klaseng katanungan at pag-iisip yan? Tss. Tsaka paano nito pansamantalang mapapawi yung uhaw natin? Malamang sa malamang kasi lasang dugo 'to and ito ang magsisilbing inumin natin dito sa loob ng Sanguis Univeristy."

Sarkastiko paring sambit ni Kelly habang sinasagot ang mga tanong nila kanina.

Napapailing na lamang si Dustin sa pagiging sarkastiko ni Kelly, alam kasi nilang kapag ganito na siya ay talagang napipikon na ito. Hindi na siya natutuwa sa pagiging makulit ng mga estudyanteng kaharap nila.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon