Chapter 56

4K 114 10
                                    

This chapter is dedicated to:
DeLaMascara

Thank you so much for supporting this story and for waiting to this new update! 💛

— — —

Pagkadating nila King at Scarlet sa kanilang classroom ay naabutan nilang nag-aasaran parin sina Kelly at Cindy, hindi naman na bago sa kanilang lahat yun kasi kahit noon pa man ay ganyan na silang dalawa. Minsan nga ay naaasar na ang dalawa na baka sila ang magkatuluyan sa huli.

"Can you two please shut your mouth? Nakakarindi yung ingay niyong dalawa."

Pagsaway ni Lauren sa dalawa. Pumunta at nagtago si Cindy sa likod ng dalaga.

"Lauren, pagsabihan mo nga yung unggoy na yan! Nandidiri ako sa pagiging maharot at malandi niya."

Pagsusumbong nito habang nagtatago sa likod ni Lauren, hindi naman siya pinansin ng dalaga at napapailing nalang sa kakulitan ng dalawa na hindi parin talaga tumitigil.

"Let them be, Lauren. They will probably end up together, anyway."

"Eeww, no! N-O! No! Mas okay na saking tumandang dalaga at walang asawa kaysa naman maging kami nung unggoy na yan."

Mabilis na pagtutol ni Cindy sa mga sinabi ni Dustin. Natatawa na lamang si Brianna sa kanilang magkakaibigan.

Napatingin si Brianna kila Scarlet ng nilapitan sila ng dalawa. Nginitian niya ito at agad na nilapitan para yakapin at niyakap rin naman siya ni Scarlet.

"Scarlet! I missed you so much!"

Natutuwang sambit nito habang magkayakap silang dalawa.

"And I missed you too, Bri. How are you? Are you feeling well already?"

Pangangamusta ni Scarlet sa kanya.

Pagkatapos kasi ng nangyari sa loob ng university, hindi parin kasi akalain ni Bri na magagawang gawin yun ni Andrea sa kanilang lahat. Matagal na kasi silang magkaibigan, naunang mag-aral si Brianna sa loob ng Sanguis University habang sumunod naman na taon ay si Andrea naman ang nagtransfer. Agad silang naging close at naging magkaibigan hanggang sa dumating na si Scarlet sa buhay nilang dalawa. Tinuturing na niyang parang kapatid na babae si Andrea at hindi parin siya makapaniwala na magagawa nitong kumampi kay Monica. Nasisigurado niyang na-brainwashed lamang ni Monica si Andrea kaya ito tumulong at kumampi sa kanya. Alam niya kasing hindi ito magagawa ng kanyang kaibigan, lalo na't mabait ito at masayahing babae katulad niya.

Nang matapos ang mga pangyayari iyon ay isinama siya ni Dustin para magbakasyon, halos dalawang buwan rin silang nagpunta sa iba't-ibang bansa. Tinulungan siya ni Dustin na pansamantalang makalimutan ang mga nangyari sa kanilang lahat sa loob ng university noon. Hinayaan rin naman silang dalawa ng mga High Council at ng Royalties, para na rin makapag-adjust si Brianna sa mga pagbabago.

"Yes, I'm already feeling well. Maraming salamat sainyong lahat, tinulungan niyo kong tanggapin at kalimutan yung mga nangyari. Hindi ko rin naman maitatanggi na namimiss ko si Andrea, pero wala rin naman akong magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat ng nangyari."

Sinserong tugon niya kay Scarlet. Nginitian at tinanguan naman siya nito.

Nauunawaan ni Scarlet ang nararamdaman ni Brianna, naranasan na rin kasi niyang mawalan ng isa sa nga pinaka-importanteng tao sa buhay niya kaya alam niya ang nararamdaman nito.

"That's good to know, Bri. I'm happy that you are already doing well, as well as you are already coping out with the changes. Nandito parin kami para sayo, handa kaming gabayan ka sa mga pagbabago sa buhay mo."

Nakangiting wika ni Scarley kay Bri.

Ngunit naputol ang kanilang pag-uusap ng lapitan sila ni Dustin, may mga kasama itong butlers at bitbit ng mga ito ang mga kahon. Alam naman na nilang mga Royalties ang laman nito, habang ang mga bampirang estudyante naman na kasama nila ay nagtataka kung ano ang mga ito.

"Sorry to bother your catch-up talk, Queen. I just want to inform you and King that the capsules are ready to be given to the students of Night Class, I already brought all of them with me."

Sambit ni Dustin kila King at Scarlet.

Nagkatinginan naman silang tatlo at nagtanguan. Sinenyasan naman ni King sina Cindy, Kelly, at Lauren na pumunta na sa harapan ng classroom para ianunsyo sa buong Moon Campus ang gaganapin na isang pagtitipon sa auditorium ngayong gabi. Mabilis na sumunod ang tatlo at nauna na silang lumabas ng classroom.

Si Cindy ay dumiretso sa isang silid kung saan niya iaanunsyo ang biglaang pagtitipon na gaganapin. Si Lauren naman ay dumiretso sa auditorium para buksan ito at ihanda para sa kanilang pagtitipon, sinigurado rin niya na lahat ng mga kahon ng capsule ay nandito na rin sa loob. Habang si Kelly naman ay pinatawag ang dalawang Vanguards na sina Gwen at Jenn para bantayan ang labas ng auditorium kapag nagsimula na ang kanilang pagtitipon.

"Good evening, Night Class. This is your one and only Cindy Santos of Royalties, announcing that we're going to have an important meeting to the auditorium right now. Everyone must attend the meeting whether you like it or not, no one is exempted. This order is given by the Royalties, especially by our Queen. So please proceed to the auditorium now."

Pag-anunsyo ni Cindy na narinig sa buong Moon Campus.

Ang anunsyo na ito na rinig na rinig nung mga estudyanteng nasa field, library, hallways, classrooms, cafeteria, at gymnasium ng Moon Campus. Lahat ng estudyante ay agad na nagtungo sa auditorium dahil sa anunsyo na ito, ayaw rin naman nilang maparusahan ng kahit na sinong Royalties sa unang gabi nila sa Moon Campus. Marami-rami ring mga transferees sa Night Class na ang iba ay galing pa mismo sa ibang bansa at ang iba naman ay galing rin sa mga mayayamang pamilya ng bampira.

Ang mga Royalties naman ay matiyagang hinihintay ang pagpasok ng lahat sa loob ng auditorium. Silang anim ay nasa taas ng stage habang tinitignan ang pagpasok ng mga estudyante, ang napakaraming kahon naman ay nasa likod nila habang ang iba pa ay nasa backstage. Hinihintay nilang lahat na isarado na nang mga Vanguards ang dalawang entrance door ng auditorium, sinisigurado pa kasi nila na lahat ng mga bampirang estudyante ay nasa loob na nang auditorium.

Habang naghihintay ay binuksan ni Scarlet ang isang kahon, sa loob nito ay may napakarami pang malilit na kahon na kasing-laki ng kahon nung posporo.

"Do you think it will be useful to us, love?"

Tanong niya kay King ng maramdaman niya itong lumapit sa kanya mula sa kanyang gilid. Tinignan niya ang binata at ito'y nakatitig sa kanya. Tinanguan siya nito at nginitian.

"Yes, of course, my love. We have been creating and planning for this thing, those restless and sleepless days will be worth it."

Malambing at sinserong tugon ni King kay Scarlet.

Muling tinignan ni Scarlet ang maliit na kahon na hawak niya na may nakatatak na Blood Capsule.

— — —

Author's Note:

Hello sweeties!

Two updates for tonight tayo, pambawi na rin sa napakatagal kong update. Hahaha.

Hulaan niyo kung para saan yung Blood Capsule na yun, ang makahula.. edi magaling! HAHAHAHA char. Basta hulaan niyo nalang, i-comment niyo kung ano sa tingin niyo yung purpose nung capsule na yun. :>

Also, happiest 14k reads and 701 votes sa OBTVK Season 1 natin! Road to15k reads na siya! 🤩 Thank you so much for your love and support, sweeties! 💛

Road to 500 reads and 50 votes na rin itong Season 2 natin! Keep on voting, reading and sharing this story to your friends, sweeties! Maraming-maraming salamat talaga sa mga suporta niyo sakin, mahal na mahal ko kayo. 💛

Don't forget to vote on each new upcoming new chapters/updates, comment your thoughts and for a new chapter dedication, and share this story with your friends.

Thank you so much, sweeties! I love you!

Love,
Lady A

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon