Chapter 57

3.4K 91 1
                                    

This chapter is dedicated to:
JeanGreyCarpio

Thank you so much for supporting this story! 💛

— — —

Sinarado na nang mga Vanguards ang bawat pinto ng auditorium pagkatapos nilang masigurado na lahat ng Night Class students ay nasa loob na. Naging hudyat rin ito sa mga Royalties na simulan na ang kanilang pagpupulong na inihanda para ipaliwanag kung ano ang Blood Capsule. Iniabot naman ng isang staff ang mikropono kay Scarlet para masimulan na niya ang pagpapaliwanag ngunit hindi siya makapagsalita dahil sa napakaingay na boses ng mga estudyante na may kanya-kanyang pag-uusap.

Lumingon si Scarlet kay King at napansin agad ng binata ang ibig sabihin ng mga tingin nito. Tinignan niya ang lahat ng bampirang estudyante na nasa harapan nila, patuloy parin ang mga ito sa kaingayan at parang wala lang sa kanila na nasa harapan nila ang mga Royalties.

"Silence."

Isang salita ngunit punong-puno ng awtoridad at kapangyarihan na wika ni King sa harapan nilang lahat. Awtomatikong napatigil at napatahimik ang lahat sa kani-kanilang mga pinag-uusapan, lahat ay umayos ng pagkakaupo at tahimik na ipinukol ang kanilang mga atensyon kay Scarlet. Ang mga Vanguards na sina Jenn at Josh ay namangha sa kanilang nasaksihan. Hindi nila akalain na sa iisang salita lang na iyon ay nagawang patahimikin ni King ang lahat ng bampirang estudyante sa loob ng auditorium.

"Did you saw that Jenn? One word lang yun pero nagawang patahimikin ni King ang lahat, nakakamangha at nakakakilabot."

Namamanghang bulong ni Josh kay Jenn habang tinitignan ang lahat ng estudyante na sobrang tahimik na.

"Well, that's the power of Sanguis University's Vampire King. Isang salita lang niya ay dapat sumunod ka na agad kung gusto mo pang masikatan ng araw bukas."

Mahinang tugon ni Jenn kay Josh.

Halos ang karamihan rin sa mga estudyante ay nakayuko at hindi makatingin sa stage, iniiwasan nilang mapatingin kay King dahil sa natatakot sila sa kanya. Ang iba naman ay natatakot kay Scarlet dahil sa sobrang pula ng mga mata nito na mas matingkad pa sa kulay ng dugo.

Muling tinignan ni Scarlet ang lahat ng estudyante na kanina'y sobrang ingay pero ngayon ay sobrang tahimik na dahil sa isang salita ni King. Hindi na siya nagulat sa nangyari dahil sa alam naman niya na maraming takot sa kanyang nobyo, normal na nga ito sa kanya kasi simula palang nung una ay takot na talaga ang lahat kay King.

"First, we want to apologize for this sudden meeting. This meeting is very important for all us, not just for the Royalties. Second, I want everyone to listen on everything that we're going to discuss today because this is for everyone and we will benefit from this. Lastly, any questions will be entertained after the discussion. Do I make myself clear?"

"Yes, queen."

Magalang na tugon kay Scarlet ng mga estudyante. Sinenyasan naman niya si Lauren para simulan na nito ang introduction. Binigay niya dito ang mikropono at tinanggap naman ito ni Lauren. Seryoso niyang tinignan ang lahat ng estudyante bago simulang magsalita.

"We all know that from time to time we crave for the human or animal's blood, right? But drinking human's blood is strictly prohibited by the High Council, especially by the Senate. That's why we quenched our cravings by drinking animal's blood, but unfortunately, there's no animals inside this university that we can hunt."

Saglit siyang tumigil sa kanyang pagsasalita para pagmasdan ang mga mukha ng lahat nang mga estudyante sa kanilang harapan ngayon na nakikinig. Lahat naman ay mukhang interesado sa kanyang mga sinasabi. Sino ba namang bampira ang hindi magiging interesado sa isang usapan kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa dugo, diba?

Alam ng mga Royalties na mahina ang pagpipigil ng mga kabataang bampira sa kanilang pagkauhaw sa dugo. Isa rin kasi yan sa rason kung bakit sila dito ipinag-aral ng kanilang mga magulang, para maturuan silang magpigila at kontrolin ang kanilang mga sarili.

"That gave us, the Royalties, an idea to create the best alternative way to quench our bloodthirst. This wonderful creation will be discussed and introduced to you by Dustin."

Pagkatapos niyang magsalita ay ibinigay niya kay Dustin ang mikropono. Hawak ng binata sa kanyang kaliwang kamay ang isang maliit na remote control para sa projector na kanina pa nakahanda.

"Just like what Lauren said earlier, sometimes we can't control our bloodthirst. It will drive us crazy and make us do something we are now allowed to do. But this creation will definitely quench our thirst, we can assure you that since we already tried it multiple times. The Royalties would love to introduce our wonderful creation, the Blood Capsule."

Pinindot ni Dustin ang remote control at pinakita sa screen ang isang maliit na box na may tatak na Blood Capsule. Ipinakita rin sa projector ang itsura ng capsule, ito lamang ay isang puting bilog na capsule. Simpleng-simple lang ito at kung titignan ay parang isang normal lamang na gamot.

Ang lahat ng estudyante ay nagtataka at napapaisip kung ano nga ba ang magiging purpose ng Blood Capsule sa kanilang lahat. Ano ba talaga ang pinaka-purpose nito? First time rin nilang marinig na may ganitong imbensyon na nagawa sa buong community. Ang iba naman ay hindi pa naniniwala kung kaya bang tanggalin ng maliit na capsule na ito ang kanilang pagkauhaw sa dugo, parang lang kasi talaga itong normal na gamot na iniinom ng mga mortal kapag nagkakasakit. Kahit sina Josh at Jenn na tahimik ring nakikinig ay napapakamot na lamang ng kanilang mga ulo dahil sa itsura ng capsule.

"Parang paracetamol lang na gamot.."

Mahinang wika ni Josh habang pinagmamasdan yung itsura ng capsule sa projector. Napalingon naman sa kanya si Jenn at malakas siyang siniko sa kanyang tagiliran. Pigil na pigil at impit na impit ang pagtangis ni Josh sa sakit dahil sa ginawa ni Jenn.

"Napakadaldal mo. Gusto mo bang hindi ka na sikatan ng araw bukas? Yari ka talaga kapag narinig yan ni King."

Mahinang saway ni Jenn kay Josh na ngayon palang nakaka-recover sa paniniko ng dalaga sa kanya. Sinamaan niya ng tingin si Jenn dahil sa kanyang ginawa.

"Bakit kailangan mo pang maniko, ha? Okay lang sana kung mataba ka eh, para taba yung tatama sa tagiliran ko. Pero dahil sa payat ka, buto mo yung tumama sakin eh."

"Don't worry, payat ka rin. Nakapa kasi nitong siko ko yung ribs mo eh. Tss."

Mahinang pag-aasaran ng dalawa sa isa't-isa.

— — —

Author's Note:

Hello sweeties!

May new update tayo, nayswan! Kaso isa lang siya sa ngayon, naubos na kasi ang braincells ko. Hahaha, char. So ayun nga, binago ko yung name ng isang Vanguard. From Jeff to Josh, napansin ko kasing parehas sila ni Jenn na may double letter sa name and para silang kambal HAHAHAHA. Kaya yun, binago ko siya. Tsaka maraming salamat rin dun sa nag-iisang sumagot at nanghula kung para saan ang Blood Capsule natin, napaka-angas mo. 🔥

Anyway, maraming maraming salamat sa mga suporta niyong lahat! Kayo ang isa sa mga inspirasyon ko kaya ako nagpapatuloy sa pagsusulat ngayon. Mahal na mahal ko kayo, sweeties! 💛

Don't forget to vote on each new upcoming new chapters/updates, comment your thoughts and for a new chapter dedication, and share this story with your friends.

Thank you so much, sweeties! I love you!

Love,
Lady A

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon