Chapter 83

751 33 4
                                    

M A R C U S

"Have a seat, Marcus."

Agad akong umupo sa couch na kaharap ni tito Christopher. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nakipagkita ngayon. Kanina kasi sa bahay nila, noong saglit na umakyat sa kwarto si Scarlet ay agad niya akong kinausap. Binigay niya sakin ang address nitong tagong-tago na bar.

Walang umiimik saming dalawa, pinapanood ko lang siya habang tahimik niyang iniinom ang alak na nasa mesa. Hindi ko talaga alam kung bakit niya gustong makipag-usap sakin o kung ano man ang dahilan ng biglaan niyang pagyaya sakin na makipagkita dito sa isang tagong bar.

"You're still not aware why I wanted to have a one-on-one talk with you, right?"

Bigla niyang tanong sakin pagkatapos niyang ubusin ang alak na nasa baso niya.

"Hindi po, tito. Wala po akong kaalam-alam."

Magalang kong tugon sa kanya.

Ngayon ko lang nakita at nakilala si tito Christopher pero bigla agad siyang nagyaya na kung pwede ba kaming magkita. Wala talaga akong ideya kahit isa kung ano ba ang mahalagang pag-uusapan naming dalawa.

"It's about the prophecy. I know we're all aware about the different kind of prophecies that we've been hearing for years, but this one is really different."

Seryosong wika niya.

Simula ng nabuhay ako sa mundong ito, ilang beses na akong nakarinig ng prophecy mula sa matatandang bampira. Sila kasi ang may gift of prophecy, nakikita nila ang mga pwedeng mangyari sa isang lugar o sa isang tao. Halos karamihan sa mga nakikita nila ay nagiging totoo at nangyayari talaga, kaya laging sineseryoso ng community ang mga propesiya na naririnig namin sa matatanda.

Hindi muna ako tumugon sa kanya at hinayaan na lamang siyang magsalita.

"The prophecy is all about Scarlet."

Parang bigla akong narindi sa sunod niyang sinabi.

Tungkol kay Scarlet ang propesiya? Paano nangyari yun? Ano naman kaya ang hinula ng matatanda tungkol sa kanya?

"Po? Tungkol kay Scarlet ang propesiya? P-Paano nangyari yun, tito? Ano po ang naihula ng matatanda sa kanya?"

Nakakunot ang aking noo habang sunod-sunod siyang tinatanong tungkol sa kanyang nabanggit.

Kinakabahan ako sa posibleng mangyari kay Scarlet kapag nagkatotoo na ang propesiya na nahula sa kanya. Pero pwede rin namang gumawa ng paraan para mapigilan na mangyari yun sa kanya at hindi matuloy ang hula.

"Pwedeng mamatay si Scarlet kapag nangyari na ang propesiya, Marcus. Yun kasi ang nahula sa kanya. Mararanasan niya ang naranasan ng mommy niya."

Malungkot at seryosong tugon ni tito Christopher.

Parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Mamamatay si Scarlet kapag nangyari ang hula..

"P-Po? Mamamatay si Scarlet? Paano nangyari yun? Ganun po ba kalala ang naging hula sa kanya para mangyari yun?"

Nag-aalalang tanong ko ulit sa kanya.

"Ganun kalala ang nangyari sa mommy niya.. and it was because of me, ijo. Meeting her mom was one of the best moments in my life and falling in love with her is the best decision that I had ever done. But because of our forbidden love, we faced a lot of consequences. She died while giving birth to Scarlet, that's her painful consequence for loving a man like me."

"And what's your consequence, tito? I mean, I just want to know if it's okay.."

Bago siya sumagot sa tanong ko, tinignan niya muna ako na may malungkot na mukha at mga mata. Nakatingin lang ako sa kanya ngunit nararamdaman ko rin yung sobrang lungkot na dinadala niya parin hanggang ngayon.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon