Chapter 84

722 34 5
                                    

"Tito, kung lahat ng nangyayari sa buhay ni Scarlet ay nakaayon sa propesiya. Edi pati na rin ang pagpasok niya sa SU ay nasa propesiya rin?"

Nagtatakang tanong ni Marcus kay Christopher.

Agad na tumango si Christopher para sagutin ang kanyang tanong. Kumunot naman ang noo ni Marcus dahil sa kanyang mga iniisip patungkol kay Scarlet.

"Hindi sana unti-unting mangyayari ang bawat nahuhula sa propesiya kung hindi siya na-in love sa kuya mo. Pwede sanang mapigilan ang propesiya kung hindi nangyari yun. Pero hindi ko rin naman sinisisi ang kuya mo o kahit pa si Scarlet, nagmahalan lang naman silang dalawa."

Tugon ni Christopher sa kanya na may tipid na ngiti sa kanyang labi.

Naiintindihan rin naman kasi niya kung bakit na-in love sa isa't-isa sina Scarlet at King. Wala rin naman siyang magagawa para pigilan ang nararamdaman ng kanyang anak kasi sarili niya itong feelings at hindi niya naman ito kontrolado. Ayaw niyang diktahan ang anak niya sa kung anong nararamdaman nito noon, pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Handa na niyang gawin ang lahat para maligtas ang anak niya mula sa propesiya at hinding-hindi na niya hahayaan pang maulit ang historya.

"Ano na pong plano niyo ngayon, tito? Sigurado po akong may plano na si dad tungkol dito."

Kilalang-kilala ni Marcus ang kanyang ama. Imposibleng hindi ito gumawa ng paraan para maligtas ang minamahal niyang anak at ang pangalan ng kanilang pamilya.

"May plano na ko and kailangan ko ng tulong mo, Marcus."

"I'm willing to do everything just to protect Scarlet, tito. Handa po akong tulungan ka."

Napangiti maman si Christopher ng marinig niya ang mga binitawang salita ni Marcus. Medyo nawala ang pangamba sa dibdib niya kasi alam niyang may isang tao siyang pwedeng pagkatiwala tungkol sa kaligtasan ni Scarlet.

"Thank you so much, Marcus. You don't know how thankful I am na lagi kang nandyan para kay Scarlet."

"You're always welcome, tito."

Hindi rin naman maiwasang ngumiti ni Marcus kasi alam niyang may tiwala sa kanya si Christopher.

"Anyway! Sa ngayon, gusto kong lagi kang nasa tabi ni Scarlet. Wag na wag mo siyang iiwanan o papabayaan man lang kahit saglit, kasi kahit anong oras pwedeng kumilos ang Senate para patumbahin siya. Kaya wag na wag kang aalis sa tabi niya, Marcus. Kahit pa bumalik man ang kuya mo, sa tabi ka lang ng anak ko. Katulad nga ng sinabi ko sayo kanina, malaking-malaki ang gagampanan mo sa buhay ni Scarlet. Itong pinapagawa ko sayo ay simula palang yan."

Lumipas ang ilang oras at pagkatapos ng pag-uusap nina Christopher at Marcus, kasalukuyan na ring nasa Moon Campus silang lahat.

Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ni Marcus ang mga sinabi sa kanya ng ama ni Scarlet. Hindi tuloy niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba ang malaking-malaking gampanin niya sa buhay ng dalaga. Wala siyang kaide-ideya kasi hindi rin naman sinabi sa kanya ni Marcus kung ano nga ba ito.

"Marcus, kelan ba balak umuwi nung kuya mo? May balak pa ba yun bumalik?"

Kunot-noong tanong ni Kelly kay Marcus.

Hindi naman niya inaasahan ang naging tanong ni Kelly sa kanya kaya bumalik sa reyalidad ang kanyang pag-iisip. Hindi rin naman niya alam kung kailan nga ba uuwi ang kuya niya, ni wala nga siyang balita sa tao.

Bumaling ang paningin niya kay Scarlet na naghihintay rin ng sagot niya.

"To be honest with you guys, I don't really know. Dad didn't tell me anything about it, ang alam ko lang kaya siya umalis ay para personal na imbitahan ang mga magiging bisita ni dad sa midnight ball niya. That's the only information I knew."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon