Chapter 62

2K 65 6
                                    

Pinagpatuloy niya ang pagbuga ng usok sa harap ng tatlong ginoo, wala siyang pake kung nauubo na ang mga ito. Habang seryoso namang nakatingin sina Hugo, Ned, at Abe sa kanya na walang pake sa mga titig nila.

"Hindi ka namin pinapangunahan, domine. Nababahala lang kami sa pwedeng mangyari kapag hindi agad tayo gumawa ng kilos."

Malumanay na paliwanag ni Abe sa kanya.

Tinitigan niya ito habang hinihithit ang kanyang tobacco, muli siyang bumuga ng usok bago ihulog sa sahig ang tira nito. Muli niyang tinitigan ang tatlo na kanyang kaharap, sumandal siya sa kanyang upuan, at pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Ano ba ang posibleng mangyari kapag hindi agad tayo gumawa ng kilos?"

"Maaaring mangyari ulit ang nakara usean, domine. Hindi namin hahayaang madumihan ulit ang dugo ng mga pureblooded."

Desidido at seryosong sagot ni Ned sa kanyang tanong.

"Mangyari ulit ang nakaraan.. Do you mean..?"

Mabilis na tumango ang tatlo at agad na sumagot si Hugo sa kanyang tanong.

"Yes, domine. Ang nangyaring gulo sa pagitan ng mga pureblooded at dhampir noong ilang siglo na ang nakakalipas. Nagkagulo ang pamilya ng mga pureblooded na bampirang Flammia dahil ang kanilang anak na si Christopher ay nagmahal ng isang dhampir na si Freia, ngunit mas lalong naging magulo ang dalawang angkan dahil sa nagbunga ang pinagbabawal na pagmamahalan ng dalawa. At ang bunga na iyon ay ang kinikilalang reyna ngayon ng Sanguis University, walang iba kundi si Scarlet Celine Flammia."

Hinawakan niya ang kanyang mapupulang labi pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Hugo. Marahang tumatango ang kanyang ulo habang malalim ang kanyang iniisip.

Tanghaling tapat palang ngunit maagang pumunta sa university sina King at Scarlet. Pagparada ni King ng kanyang sasakyan ay agad siyang lumabas para pagbuksan ng pinto ng kotse ang kanyang nag-iisang reyna, si Scarlet. Nilahad rin niya ang kanyang kamay sa dalaga para alalayan sa kanyang paglabas ng kotse, habang bahagyang natatawa at napapailing na lamang si Scarlet sa pagiging sobrang gentleman ni King.

"What are we going to do here, love? It's just 12 noon, we're too early."

Sambit ni King sa kanya pagkatapos niyang isara ang pinto ng kotse. Pinulupot niya ang kanyang isang braso sa bewang ni Scarlet at mahinahon itong inilapit sa kanya na halos magkadikit na talaga ang mga katawan nila.

Tiningala siya ni Scarlet at binigyan ng isang ngiti bago sagutin ang kanyang sinabi.

"I just want to reminisce everything we've been through, from the time when we first met until now that we're still together."

Sinserong tugon niya sa kanyang kasintahan habang nakangiti parin ang kanyang mapupulang labi. Binigyan rin siya ni King ng isang matamis na ngiti ng kanyang maalala kung paano nga ba sila nagsimula.

"Aww, my love is being too nostaljic right now. You're so cute."

Nakangiting wika ni King sa kanya habang nanggigigil na nilalapit ang mukha nito sa mukha ni Scarlet para bigyan siya ng halik sa labi. Ngunit bago pa man dumikit ang kanyang labi sa labi ng dalaga ay mabilis itong nakailag at bumitaw sa pagkakahawak niya sa bewang nito.

"And you're showing too much PDA, my love. We can't do it here, the students might see us."

"I'm not, I just want to kiss my girlfriend."

"I know that, love. But this is not the right place for that."

"But baby.."

"I said what I said."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon