Chapter 76

747 22 0
                                    

This chapter is dedicated to:
LykaPastedio and Joaaica

Thank you so much for reading and supporting my story, sweeties! It means a lot to me! 💛

Tuluyan ng nawalan ng malay ang duguang babae na nosferatu dahil sa walang tigil na pagtorture sa kanya ni Scarlet, nagkalat rin ang mga dugo nito sa buong paligid. Kahit na ilang beses niya itong saktan ay hindi parin talaga ito umaamin kung sino ang nasa likod ng mga kaguluhan sa loob ng Sanguis University.

Pagod na pagod naman na si Scarlet, nabitawan niya ang kanyang hawak na latigo na puro dugo na ng nosferatu. Agad naman siyang nilapitan ni Marcus at inayang magpahinga na muna.

"Magpahinga ka na muna, Scarlet. Mukhang wala talaga siyang planong umamin."

Wika ni Marcus sa kanya habang inaabutan siya ng tubig na nilagyan niya ng blood capsule.

Tinanggap naman ito ni Scarlet at agad na ininom.

"I told you na magsasayang lang tayo ng panahon at oras sa nilalang na ito."

Biglang sambit ni Cindy na ikinalingon nilang lahat sa kanya.

Tumayo si Scarlet at nilapitan siya. Walang emosyon ang kanyang mga mukha dahil sa naiinis na siya sa puro reklamo na naririnig niya sa kaibigan niyang ito.

Tinitigan niya ito mata sa mata.

"Bakit? May iba ka pa bang naiisip na plano, hm? Kasi kung wala, ito lang ang tanging option natin para malaman kung sino ang may pakana ng mga nangyayari ngayon."

Seryoso niyang tugon sa mga reklamo ni Cindy kanina.

Hindi naman nagpapatinag at nagpapasindak si Cindy sa mga mata ni Scarlet na naging sobrang pula na dahil sa inis na nararamdaman niya, dagdag pa dito ang pagod at stress.

"Pero may nakuha ba kayong sagot sa kanya? Wala naman, diba?"

Matapang na sagot sa kanya ni Cindy.

Hindi naman agad nakasagot si Scarlet sa mga tanong niya, kaya naman napangisi na lamang si Cindy.

"Oh, bakit di ka agad nakasagot? Diba wala naman talaga kayong nakuhang sagot mula sa kanya? Nagsayang lang talaga tayo ng panahon at oras, imbes na hinaha—"

"Cindy!"

Malakas ngunit seryoso na pagtawag ni Lauren sa pangalan niya, dahilan para mapahinto siya at hindi matuloy ang mga sinasabi niya.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Lauren habang nakatitig kay Cindy. Hindi niya kasi nagugustuhan ang ginagawa nitong pagsagot-sagot kay Scarlet.

"I think you already forgot that Scarlet is still the vampire queen and you being like that towards her is very disrespectful."

Sambit ni Lauren sa kanya habang seryoso parin ang mga titig nito.

Kanina pa tahimik sina Marcus at Brianna, inoobserbahan lamang nila ang nagaganap na pagtatalo sa tatlong babae. Hindi rin naman kasi nila alam kung paano papatigilin ang tatlo.

"Lauren, I'm not being disrespectful. I just want—"

"Yes, you are. So stop it."

Muling pagputol ni Lauren sa pagsasalita niya.

Hindi na ulit pa nagsalita si Cindy kaya isang katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang lima.

"Okay! I think we're all stress out, I suggest na magpahinga na tayong lahat."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon