Chapter 91

468 17 0
                                    

Saktong pagkalabas ni Christopher sa kanyang opisina, naabutan niya ang nagaganap na eksena nila Scarlet at Marcus sa hagdan. Hindi naman niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti, tama lang talaga na si Marcus ang pagkatiwalaan niya ng nag-iisa niyang anak. Ngunit agad ring naglaho ang mga ngiti sa labi niya ng bigla niyang maalala na kailangan niya ring saktan si Scarlet, kailangan niyang gawin yun kasi para sa kanya rin yun.

Tahimik siyang napabuntong-hininga dahil sa mga iniisip niya. Hindi na muna mahalaga ang mga iyon, ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay nakikita niyang masaya ang anak niya.

Naglakad siya palapit sa dalawa na may ngiti ulit sa kanyang mga labi.

"What's happening? Did I miss something?"

Nang maramdaman at marinig ni Marcus ang presensya at boses ni Christopher ay agad rin niyang tinanggal ang kanyang kamay sa ulo ni Scarlet. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, nahihiya kasi talaga siya sa ginawa niyang yun na nakita pa talaga ni Christopher.

"Dad, ang chismoso mo. Tss. Bahala nga kayo dyan."

Nakasimangot na sambit ni Scarlet sa kanyang ama bago siya nagpatuloy papunta sa kanyang kwarto at iwan ang dalawang lalake sa hagdan.

Mas lalo namang nahiya si Marcus nang silang dalawa nalang ni Christophet ang naiwan. Hindi niya rin alam kung anong sasabihin niya o dapat ba siyang mag-rason sa nasaksihang ginawa niya. Ipinatong lang naman niya sa ulo ni Scarlet ang kanyang kamay pero bakit kabadong-kabado siya?

"Tito, about what you saw.. We were just—"

"That's okay, son. Kalma ka lang, hindi naman yun big deal sakin."

Natatawang tugon ni Christopher kay Marcus bago pa nito matapos ang sasabihin niya.

Nararamdaman kasi niya na kinakabahan ito na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa harapan ni Christopher. Samantalang nakahinga naman ng maayos si Marcus dahil sa sinabi nito, para bang nabunutan siya ng tinik.

Niyaya ulit siya ni Christopher sa sala para ipagpatuloy ang kanilang pinag-uusapan kanina.

"You were saying earlier that King confronted you inside the classroom? Is that what you said?"

Pagtatanong ni Christopher sa binata ng silang dalawa ay makaupo sa magkaharapan na single-couch.

Agad namang tumango si Marcus at nagkibit-balikat.

"Sa tingin ko po ay mas lalo siyang nagalit sakin kanina, tito."

"Hm, let him be. Just continue what you're doing. We'll never know na baka unti-unti na palang nangyayari ang propesiya, mas mabuti na ang nag-iingat."

Tinanguan siya ni Marcus bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"I will do my best to keep your daughter safe from him and the prophecy, tito. Pinapangako ko po yan sayo."

Nakangiti at sinserong wika ng binata kay Christopher.

Hindi ipagkakaila ni Christopher na natutuwa siya sa pagiging sinsero ni Marcus pagdating sa anak niyang si Scarlet. Ramdam na ramdam niya kung gaano nito nirerespeto ang kamahal ang nag-iisa niyang anak.

"I trust you and your words, Marcus."

Nang marinig iyon ni Marcus, nakaramdam siya ng tuwa. Ibig sabihin lang nun ay talagang pinagkakatiwala sa kanya ni Christopher ang nag-iisang dalaga nito. Determinado talaga siya na gawin ang lahat para hindi mangyari ang propesiya, kahit pa kasama na doon ang pananakit niya sa sarili niyang kapatid.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon