Chapter 94

438 17 9
                                    

Agad nilang dinala si Marcus sa underground facility para doon magamot ni Brianna ang kanyang mga sugat sa mukha. Si Scarlet naman sobra parin ang pag-aalala ngayon, sinisisi rin niya ang kanyang sarili kung bakit nangyari ito kay Marcus. Aminado rin siyang galit siya kay King dahil sa ginawa nito sa kanyang sariling kapatid, baka nga kung hindi niya ito pinigilan ay hindi talaga niya ito titigilan.

Pagkadating nilang lahat sa infirmary ng underground facility, agad nilang nilagay si Marcus sa hospital bed. Hindi naman na nag-aksaya ng oras si Brianna, agad na niyang sinimulang linisin at gamutin ang mga sugat sa mukha ni Marcus.

Hinawakan ni Scarlet ang kamay ni Marcus habang naluluha parin ang kanyang mga mata.

"Marcus, I'm really sorry.. I'm so sorry."

Naiiyak na wika niya habang hawak-hawak ang kamay ng binata. Nagulat naman siya ng biglang bahagyang pisilin ni Marcus ang kanyang kamay, may malay parin kasi ito kaya naririnig parin niya ang mahihinang iyak at salita ni Scarlet.

Makalipas ang ilang minuto, natapos ring linisan at gamutin ni Brianna ang mga sugat ni Marcus sa mukha. Mabilis rin namang gagaling ang kanyang mga sugat kasi isa iyon sa mga natural na kakayahan ng isang bampira. Si Scarlet naman ay hawak-hawak parin ang kamay ni Marcus, simula kanina hindi niya ito binitawan.

Napansin rin naman nila Brianna, Cindy, at Kelly ang magkahawak na kamay nilang dalawa. Naguguluhan sila kung bakit dumating na sa point na gawin ni King ang ganitong bagay sa sarili niyang kapatid. Gusto nilang magtanong pero alam nilang hindi ngayon ang tamang oras para dito.

"You're good now, Marcus. Let's just wait na gumaling nalang yung mga sugat mo."

Sambit ni Brianna kay Marcus na tanging kaliwang mata lang ang kayang idilat sa ngayon kasi medyo napuruhan rin ang kanyang kanang mata.

"Thank you so much, Bri. Thank you rin sainyo, Cindy and Kelly. I don't really know what to do kung hindi kayo agad dumating kanina."

Sinserong wika ni Scarlet sa kanilang lahat.

"You're always welcome, Scarlet. Nagulat nalang talaga kami sa nadatnan naming lahat kanina sa rooftop, akala ko pa nga patay na 'tong si Marcus kasi puro dugo na."

Tugon naman ni Cindy na may halong pagbibiro pa.

"Good thing tinawagan mo agad kami, kasi kung hindi baka nawalan na ng malay 'tong lalakeng ito. At buti nalang rin napigilan mo si King, kasi kung hindi baka patay na 'to pagkadating namin kanina sa rooftop."

Sambit rin naman ni Kelly na may halo ring pagbibiro dahilan para sikuhin siya ni Cindy.

Kunot-noo siyang tumingin kay Cindy dahil sa biglaang pagsiko nito sa kanya.

"Ano na naman ba yun? Masyado ka talagang papansin, unti nalang iisipin ko na talagang may gusto ka sakin."

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo 'no? Handa akong jowain ang lahat, wag lang ikaw."

"Wag kang magsalita ng tapos, baka kainin mo lahat ng sinabi mo ngayon."

Mapanuksong tugon ni Kelly kay Cindy habang unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa dalaga. Habang ang isa naman ay nilalayo ang kanyang mukha kay Kelly.

Sina Brianna at Scarlet naman ay napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng dalawang kasama nila. Wala talagang araw na hindi sila nag-aasaran, nagsisigawan, nag-aaway, at nagbabardagulan. Wala namang problema yun sa kanilang lahat kasi sanay na sanay na sila sa dalawang yan, iniisip na nga nila na may gusto ang dalawang 'to sa isa't-isa pero nahihiya lang sila umamin.

Binalingan ng tingin ni Scarlet si Marcus na kasalukuyang nagpapahinga pagkatapos gamutin ni Brianna ang kanyang mga sugat. Hindi parin nila binibitawan ang kamay ng isa't-isa, ni wala nga ata silang balak bumitaw.

"Hey, okay na ba pakiramdam mo? Hindi naman ba sobrang sakit ng mga sugat mo? Just let me know if it hurts then I'll immediately tell Brianna about it."

Sambit ni Scarlet na may unting pag-aalala sa kanyang boses.

Nag-aalala naman talaga siya kay Marcus dahil sa sinapit nito. Iniisip niya kasi na kasalanan niya kung bakit nagawang saktan ni King ang sarili niyang kapatid.

Bahagyang pinisil ni Marcus ang kamay ni Scarlet na hawak-hawak niya. Sinubukan niyang ngumiti kaso agad ring kumirot ang sugat na nasa gilid ng kanyang labi.

"I'm fine, Scarlet. Don't.. Don't worry, about.. it. And it's not.. not your fault, o-okay?"

Mahinang tugon niya sa dalaga na kanina pa nag-aalala sa kanya.

Agad namang umiling si Scarlet para sa hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ni Marcus.

"No, it was my fault. I should've stopped him even before pa siya makalapit sayo. Kung ginawa ko yun, edi sana hindi ka niya nasaktan ng ganyan.."

Tugon naman niya kay Marcus habang unti-unti na ring namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Niyaya ni Brianna sina Cindy at Kelly na lumabas muna ng infirmary at hayaan na munang magkausap ang dalawa sa loob. Agad namang sumunod sa kanya ang dalawa at iniwan sina Scarlet.

"Hindi ko talaga gets kung bakit ganun nalang yung tindi ng galit at selos ni King kay Marcus. I mean, we already knew about the prophecy pero bakit parang masyado siyang threatened kay Marcus eh alam naman niyang mahal na mahal siya ni Scarlet."

Panimulang wika ni Cindy pagkalabas nilang tatlo ng infirmary.

Pumasok sila sa isang office na tatlong kwarto ang pagitan kung nasaan ang infirmary. Napapailing na lamang si Brianna dahil sa sinabi ni Cindy.

"Sabi nga ni tito Christopher, malaki ang gagampanan ni Marcus sa buhay ni Scarlet. Kaya siguro ganun nalang yung galit at selos ni King sa kanya."

Tugon naman ni Brianna sa mga sinabi ni Cindy.

"Pero grabe yung ginawa ni King 'no? Hindi man natin nakita kung paano niya pinagsusuntok si Marcus, pero halatang gigil na gigil siya dahil sa mga tinamong sugat nun sa mukha. Unang beses na ginawa yan ni King, ang mas malupit pa ay sa sarili niyang kapatid ang ganung bagay."

Namamanghang sambit ni Kelly habang iniisip kung gaano kagigil si King habang sinusuntok si Marcus kanina.

Ni minsan kasi hindi nila nakita o nalaman man na nakipagsuntukan si King dahil sa isang babae. Kahit noong nabubuhay pa si Monica, walang ganitong pangyayari.

"Eh ganun talaga, ikaw ba naman malaman mo na yung kapatid mo may gusto sa girlfriend mo hindu ka ba magseselos at magagalit nun? Palibhasa kasi hindi mo alam yung ganung feeling kasi wala kang girlfriend."

Tugon ni Cindy kay Kelly na may halong pang-aasar, dahilan para taasan siya ng kilay nito.

Habang si Brianna naman ay napasapo na lamang sa kanyang noo dahil nagsisimula na naman ang dalawa sa daily bardagulan session nila. Buti nalang talaga nasanay na siya sa dalawang kasama niya na laging nagbabangayan kaya hindi na siya naguguluhan at naiingayan.

Tahimik lamang na napapaisip si Brianna sa mga nangyayari, lalo na sa tatlo nilang kaibigan. Kung wala sanang propesiya ay baka normal lang ang pamumuhay nilang lahat at walang gulo na nangyayari sa pagitan ng magkapatid.

Sa kabilang dako naman, pagkatapos kausapin nila Lauren at Dustin si King ay dumiretso ito sa isang private bar. Nakatanggap kasi siya ng isang text message mula sa taong hindi niya inaasahan na gusto siyang makausap agad ngayon.

Sinamahan siya ng bouncer kung nasaan ang VIP Room # ng taong gustong makipag-usap sa kanya. Pagkatapos siyang samahan sa harap ng pinto, hindi agad siya pumasok. Hindi niya alam kung dapat ba siyang tumuloy o umalis nalang dahil sa kaba na nararamdaman niya. Pero naisip rin niya na baka pagkakataon na rin ito para mas makilala nila ang isa't-isa.

Huminga siya ng malalim, hinawakan ang doorknob, at dahan-dahang binuksan ang pinto ng VIP Room.

"Tito Christopher.."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon