Chapter 98

437 19 7
                                    

Mabilis na lumapit si Scarlet kay King at agad niya itong niyakap ng napakahigpit. Niyakap rin naman siya agad ni King habang parehas silang umiiyak dahil sa halo-halong emosyon na kanilang nararamdaman.

Sinenyasan naman ni Dustin ang kanyang mga kasama na lumabas na muna sila para mabigyan ng privacy ang magkasintahan. Ramdam kasi nilang kailangang mag-usap ng dalawa ngayon at ayusin ang dapat nilang ayusin.

Nang maiwan na ang dalawa sa loob ng headquarters, hindi parin sila bumitaw sa pagkakayakap nila sa isa't-isa. Mahigpit ang yakapan nilang dalawa, para bang ayaw na nilang maghiwalay pa.

"I'm very sorry, love. I'm really really sorry."

Umiiyak na pangunang sambit ni Scarlet habang nakayakap ng mahigpit kay King.

Hinaplos naman ni King ang ulo ng kanyang kasintahan at hinalikan ang tuktok nito. Kahit siya ay patuloy paring umiiyak dahil sa kanyang nararamdaman, mabigat na kalungkutan kasi ang nararamdaman niya ngayon. Hindi dahil sa nagseselos siya sa kanyang sariling kapatid, kundi dahil sa alam niyang malapit na yung araw na kailangan na niyang gawin ang dapat gawin.

"Sshh, it's okay love. I'm okay so stop saying sorry, hm."

Malambing na tugon ni King kay Scarlet.

Humiwalay si Scarlet sa yakapan nilang dalawa at tinignan niya si King habang patuloy parin siyang umiiyak.

"No, it's not okay. It will never be okay! I hurt your feelings, love.. I hurt you.."

Humihikbing sambit niya.

Tinitignan palang ni King ang kanyang kasintahan na umiiyak sa kanyang harapan ay parang dinudurog na rin ang kanyang puso. Hindi niya kayang nakikitang nasasaktan at umiiyak ng ganito si Scarlet, nanghihina siya.

Inabot niya ang pisngi ng dalaga at pinunasan ang kanyang mga tumutulong luha. Hinalikan niya ang labi nito imbes na tumugon sa sinabi ni Scarlet.

Totoong nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang magkasama sina Marcus at Scarlet. Pero ano bang magagawa niya? Wala.

Pagkatapos niyang halikan si Scarlet ay hinalikan naman niya ang noo nito bago niyakap ulit ng mahigpit.

"It's okay, love. Stop worrying about it. Everything happens for a reason, okay? And can you please stop crying? It breaks my heart to see you crying because of me. I don't want to see my woman crying, because it's making me weak."

Malambing ulit na tugon ni King kay Scarlet.

Mas lalo namang naiyak si Scarlet dahil sa mga narinig niyang sinabi ni King. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit nagawa niyang saktan ang mapagmahal na lalakeng ito. Hindi nito deserve ang masaktan ng dahil lamang sa kanya.

"I love you so much, Scarlet Celine Flammia. I really do. I love you with all my heart, with everything I am. The universe knows how much I want us to be together forever. I want to spend my whole life dedicating my love for you, Scarlet."

Naiiyak na wika ulit ni King habang magkayakap ulit silang dalawa ni Scarlet.

Hindi alam ni Scarlet pero kakaiba ang nararamdaman niya sa mga sinasabi ni King ngayon, para bang nagpapaalam ito sa kanya. Pero ayaw niyang pagtuonan ng pansin yung negatibong kaisipan na ito. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo sa mga salitang sinasabi ni King sa kanya ngayon. Hindi nga dapat ganito ang nararamdaman niya sa bawat salita na iyun, pero ito talaga ang sinasabi ng puso't-isip niya kaya di niya ulit mapigilang maiyak.

"I am willing to do everything for you, my love. Even if it's turning my back to the things I already have, just to be with you forever. And what's the purpose of this eternal life if I'm not going to spend it with you? It will be worthless."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon