Chapter 93

415 21 4
                                    

Happiest 250k reads sa ating season 1!!! Just like what I promised, sunod-sunod ko na ilalapag ang new chapters once we reached it! ❤️

Don't forget to vote this new chapter and comment what you thought about it. Thanks, sweeties! ❤️

Bago pa man makapagsalita sina Scarlet at King, mabilis na lumapit si King at biglang hinawakan ang kwelyo ni Marcus. Malakas niyang binalibag ang kanyang kapatid sa sahig ng rooftop at agad niya rin itong sinuntok sa pisngi kung saan niya ito sinuntok kanina. Galit na galit si King ngayon dahil nakita niya kanina, ni hindi man lang pinagbigyan na magsalita ang dalawa.

Habang si Scarlet naman ay gulat na gulat sa pagiging agresibo ni King sa kanyang harapan ngayon. Nakita niyang namumula na ang mga mata nito dahil sa galit na nararamdaman niya.

"King! Stop! You're hurting your own brother! He's already bleeding!"

Pagsigaw niya sa kanyang nobyo habang sinusubukan niyang alisin ito sa ibabaw ni Marcus na nakahiga parin sa sahig ng rooftop.

Ngunit parang walang naririnig si King at patuloy lang siya sa pagsuntok sa kanyang kapatid kahit na nagdudugo na ang mukha nito. Malakas kasi ang bawat suntok niya kay Marcus, dumagdag pa ang pasa nito sa gilid ng labi na siya rin ang may dahilan.

"I said stop it, Maximus Ethan Dietrich!"

Malakas na sigaw ni Scarlet sa kanya kaya tuluyan siyang natigilan.

Nang makita niya na natigilan si King, agad niya itong tinulak palayo kay Marcus. Muling nagulat ang kanyang nobyo dahil sa pagtulak nito palayo sa kanya.

"What's happening to you, Ethan?! Are you already insane?! You almost killed your own freakin' brother!"

Galit na sigaw ni Scarlet sa kanya. Bigla na ring namula ang mga mata niya dahil sa galit na kanyang nararamdaman.

Hindi niya maiwasang hindi magalit kay King dahil sa pinakita nitong ugali sa harapan niya na pagiging agresibo sa sarili nitong kapatid. Kung hindi pa siguro siya pinigilan ni Scarlet ay baka tuluyan na talaga niyang napatay si Marcus dahil sa sobrang panggigigil niya.

Pagkatapos niya itong sigawan, hindi naman na siya sinagot ni King. Nakatungo lang ito, naghahabol ng hininga, nakayukom parin ang kamao niya na may tumutulong dugo, at hindi magawang tignan si Scarlet. Kahit siya ay nahihiya sa pinakita niyang ugali kay Scarlet.

Sunod na binalingan ng tingin ni Scarlet ay si Marcus na nagdudugo at namamaga na ang mukha dahil sa mga natamo niyang malalakas na suntok kay King. Agad niya itong nilapitan at bahagyang niyugyog ang katawan kasi parang wala na itong malay. Hindi naman maiwasang maiyak at maawa ni Scarlet dahil sa kalagayan niya.

"Don't touch him."

Seryosong wika ni King habang nakatitig kay Scarlet na alalang-alala kay Marcus.

Nagulat naman ang dalaga dahil sa kanyang sinabi. Hindi niya akalain na maririnig niya yun kay King, imbes na humingi ito ng tawad ay ganito pa kanyang masasabi.

"What?! Nababaliw ka na, ha? I'm not just gonna stand here without doing anything to help him!"

Muling galit na sigaw ang sinagot niya kay King bago ulit asikasuhin ang kawawang si Marcus na parang wala ng malay.

"Oh gosh, Marcus.. I'm so s-sorry this happened to you. I'm really sorry.."

Naiiyak na sambit niya habang pinupunasan ang mga dugo na nasa mukha ni Marcus dahil sa kanyang mga sugat.

Naririnig ni Marcus ang sinasabi ni Scarlet pero hindi na niya kaya pang sumagot at idilat ang mga mata dahil sa sobrang sakit na talaga ng buong mukha niya. Inabot niya ang kamay ng dalaga at bahagya itong pinisil para malaman ni Scarlet na may malay pa siya. Naramdaman naman iyon ng dalaga at gulat na napatingin sa kanya. Hinawakan rin niya pabalik ang kamay ni Marcus habang hindi parin niya mapigilang maiyak dahil sa pag-aalala.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon