Chapter 81

777 28 2
                                    

This chapter is dedicated to:
claireannbrivera , JeanRomende , LykaGalos4 , and ArianePelaez

Hello sweeties, thank you so much for reading my recent updates! I truly appreciate it. 💛

-

"Anong propesiya, ma?"

Kunot-noong tinignan ni Christopher si Cassandra. Hindi niya kasi maisip kung anong propesiya ang tinutukoy nito. Wala talaga siyang ideya kung ano. Sa dami ba namang propesiya ang hinuhula simula noon hanggang ngayon ay hindi na niya alam kung alin sa mga yun ang tinutukoy ng kanyang ina.

Ngunit imbes na sagutin ni Cassandra ang kanyang tanong, bumuntong-hininga lamang ito at binago ang topic nilang dalawa.

"Ano ba ang nangyari noong pinuntahan mo ang High Council? Ano ba ang mga pinag-usapan niyo?"

Sunod-sunod niyang tanong kay Christopher.

Inalala naman niya kung ano ba ang napag-usapan niya at nang High Council nung araw na pinuntahan niya ang mga ito. (1st half of Chapter 68)

Flashback..

Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ni Cassandra, agad na pinuntahan ni Christopher ang mansyon kung saan nakatira ang High Council. Hihingi siya ng tulong at advice kung ano ang dapat niyang gawin para kay Scarlet.

Napansin agad ni Diana ang pagparada ng kanyang sasakyan. Kunot-noo siya nitong nilapitan.

"Christopher? Long time no see! What are you doing here?"

Bungad na tanong niya kay Christopher.

"I need High Council's help."

"Why? What's wrong?"

Kunot-noong tanong ulit ni Diana sa kanya.

"It's about Scarlet and the prophecy."

Seryosong tugon ni Christopher sa kanya.

Nang marinig ni Diana ang rason kung bakit nandito ngayon si Christopher ay agad niya itong niyaya papasok sa loob ng mansyon. Pinasara rin niya ang mga pinto at bintana sa buong mansyon na siya namang pinagtataka ni Kurt habang pababa siya ng hagdan galing sa ikalawang palapag.

"Oh? Anong meron? Sinusugod na ba tayo ng Senate? Ipapapatay na ba nila tayo?"

Nagbibirong tanong nito kay Diana at Christopher habang bahagya pang tumatawa.

"Shut your big mouth, Kurt. This is a serious thing, okay."

Inis na tugon ni Diana kay Kurt na napanguso nalang dahil sa pagsusungit nung isa.

"Nagbibiro lang naman eh.."

"We don't have time for jokes, okay. Call the others now!"

Utos ni Diana sa kanya. Habang silang dalawa naman ni Christopher ay nagtungo na sa underground meeting area ng mansyon nila.

Umupo silang dalawa sa round table na nasa gitna ng kwarto. Tahimik lamang silang dalawa habang hinihintay ang pagdating ng iba pa nilang kasama.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon