Chapter 109

709 25 4
                                    

"I'm going to forget everything? What?!"

"Love, that is the only way to end the prophecy. You need to forget everything. All of your memories about me, us, and our relationship will be removed from your whole mind."

Pagpapaliwanag ni King sa kanya.

Hindi naman siya makapaniwala sa kanyang narinig at nalaman. Ayaw niyang tuluyang mabura ang lahat ng alala nilang dalawa. Ayaw niyang makalimutan kung paano niya unang naramdaman na mahal na pala niya ang lalakeng ito na nasa harapan niya.

"No. Ayoko. Ayokong makalimutan lahat ng tungkol sayo, lahat ng tungkol sa relasyon nating dalawa, at lahat nang nararamdaman ko para sayo."

Unti-unti siyang paatras na lumalayo kay King habang lumuluha parin ang kanyang mga mata.

"That is the only way, love. Even I can't do anything about it."

Naluluha at nanlulumong tugon ni King sa kanya.

"Hindi. Hindi ako pumapayag na burahin niyong lahat ang lahat ng alaala ko! Ayoko. Hindi ako pumapayag!"

Sigaw ni Scarlet sa kanilang lahat.

Napansin ni Christopher na para bang nagbabalak pang lumayo at tumakas si Scarlet dahil sa kanyang nalaman ngayon.

"But I'd rather see you lose your memories than watch you die in front of me, love. I'd rather see you can't remember anything about our relationship than to witness you suffer. At least in that way I can still see you everyday and will always love you from afar. Love, this is the only way for you to stay alive."

Muling pagpapaliwanag ni King kay Scarlet ngunit patuloy parin itong umiiyak habang humahakbang parin paatras at palayo sa kanya.

"No. I still don't want to. Ayokong gawin niyo sakin kung anong gustong gawin niyo! I'd rather die than to lose all of my memories with you."

Huling tugon ni Scarlet sa kanya bago siya nito talikuran at mabilis na tumakbo palayo sa kanya.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, agad siyang napaluhod sa lupa dahil sa nakaramdam siya nang matinding pananakit ng ulo.

"A-Aray! What's happening to me?! Stop! Sobrang sakit na!"

Sigaw ni Scarlet habang nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang ulo at iniinda ang matinding pananakit nito.

Nagulat naman si King dahil sa nangyari sa kanya, lalapitan pa sana niya ito ngunit hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Scarlet! Stop hurting her please! Don't hurt her!"

Inilibot niya ang kanyang paningin sa lahat ng taong kasama nila hanggang sa mapako ang kanyang paningin kay Mikaela na nakatitig kay Scarlet. Sigurado siyang ito ang nagbibigay ng matinding pananakit ng ulo sa dalaga ngayon.

Muli niyang nilibot ang kanyang paningin at nakita niyang nakatitig sa kanya si Theon. Ito ang pumipigil sa kanya na gumalaw ngayon. Sumama ang paningin niya sa kanyang ama ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi talaga siya nito hahayaang makalapit kay Scarlet.

Ibinalik niya ang kanyang paningin kay Mikaela at bumaling ang paningin kay Scarlet na iniinda parin ang sakit ng ulo.

"Mikaela! Please stop hurting her! Stop it! Please!"

Sigaw at pagmamakaawa niya kay Mikaela. Ngunit hindi siya nito pinansin.

"Bakit niyo pa pinapatagal ang sitwasyong ito? Simulan niyo nang burahin ang lahat ng alaala niya tungkol sa relasyon nilang dalawa ni King!"

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon