Chapter 100

521 16 2
                                    

"Stop being so stubborn, son. Don't you know that you're being so selfish right now? Parang pinagkakait mo na rin sainyong dalawa ni Scarlet ang mabuhay ng mahabang panahon."

Sambit ni Theon kay King.

Walang halong inis ang bawat salita na kanyang binitawan, ngunit puno ito ng pagmamalasakit at lungkot. Nung una kasi ay tutol siya sa relasyon ng dalawa, ayaw niyang mabahiran ng kahit na anong dugo ang pagiging pure-blooded ng kanilang pamilya. Ayaw niyang matulad si King kay Christopher at higit sa lahat ay ayaw niyang magkaroon ng apo na hindi pure-blooded na bampira.

Pero sa bawat araw na lumipas, nauunawaan na niya kung gaano rin ito kahirap sa anak niya. Totoong si Scarlet lang naman ang kaligayan ni King, masaya siyang nasasaksihan kung gaano naging mas makulay ang mundo nito. Pero alam niyang puno lamang ng sakit at kalungkutan ang nasa dulo ng kaligayahan na binibigay nila sa isa't-isa.

Mauulit at mauulit na naman ang nangyari noon, magkakagulo na naman ang buong community nila kapag nangyari ang propesiya. Maraming hirap ang dinanas ng mga pure-blooded noon, dahil sa ginawa nila Christopher at Freia, para lang maayos muli ang buong community nila. Ayaw na niyang mangyari ulit ang nakaraan, kaya gagawin niya ang lahat para hindi ito maulit muli. Kahit pa na kailangan niyang ilayo ang kaligayan ng kanyang anak.

"Aren't you being selfish too, dad? All I want is to be happy and spend my whole eternity with the woman I love the most, but all of you are taking away that chance on me."

Buong hinanakit na tugon ni King.

Ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng kanyang ama at mas lalo na sa taong hindi naman niya talagang kilala. Pero hindi na niya maiwasang ipakita ang panghihina niya sa dalawang kaharap niya ngayon kasi sobrang pagod na rin talaga siya. Pagod na pagod na siya, physically, emotionally, and mentally.

"You still don't get it, King? Even if they let you two together, you will still never going to spend the rest of your life with her."

Kunot-noong wika ni Mikaela sa kanya.

Kahit siya ay medyo naiirita na dahil sa pagpupumilit ni King sa kagustuhan niya. Naiintindihan rin naman niya hindi nito kakayanin na mahiwalay sa babaeng pinakamamahal niya, sino ba naman ang matinong tao ang gustong mangyari yun sa kanila diba? Ngunit kung ito lang naman ang tanging paraan para maligtas ang buhay nilang dalawa, wala na dapat siyang ibang choice kundi makipagtulungan.

"Then I'm going to do everything I can to save her."

Madiin at seryosong tugon ni King sa kanya.

"You can't do anything to save her, King! Alin ba dun ang hindi mo maintindihan? Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo siya maliligtas kapag nangyari na ang propesiya. Isang pagkakamali niyo lang dalawa, tuluyan na magkakatotoo ang hula nila. Mamamatay at mamamatay siya dahil sa pinagbabawal na pagmamahalan niyong dalawa."

Inis na tugon rin naman ni Mikaela sa kanya.

Hindi naman nakaimik si King dahil sa sinabi ni Mikaela. Tama naman kasi talaga siya, kahit anong gawin niya ay hindi niya mababago kung ano man ang naihula na.

Naiyukom niya ang kanyang mga kamay bago niya tuluyang tinalikuran sina Theon at Mikaela. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama, kasabay naman ng inis na pag-upo ni Mikaela sa sofa. Pipihitin na niya sana ang doorknob ng magsalita ang kanyang ama.

"Sana maisip at maunawaan mo ang lahat ng sinabi ni Mikaela sayo, King. This plan is not for us but for the both of you, especially Scarlet. If you truly and deeply love her, you'll let her go."

Wika ni Theon sa kanya bago niya tuluyang nilisan ang opisina nito.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang bawat salitang binitawan nila Mikaela at Theon. Patuloy ring ginugulo ng mga ito ang kanyang isipan.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon