Chapter 103

558 26 10
                                    

Nang matapos na ang tugtugin, agad na nagtungo ulit si Theon sa entablado. Habang sina Scarlet at King naman ay masayang bumalik sa mesa nilang magkakaibigan. Nang makita ni King na nasa entablado na naman ang kanyang ama, agad niyang hinawakan ang kamay ni Scarlet. Napansin naman iyon ng dalaga kaya agad siyang napatingin dito.

"Why? Is there something wrong?"

Nag-aalalang tanong ni Scarlet kay King. Nilingon naman siya ng binata at seryoso ang kanyang mga mata.

"I love you so much, love. Always remember that."

Bahagya namang natawa si Scarlet dahil sa sinabi niya.

"Love, hinding-hindi ko makakalimutan yan. I promise you."

Nakangiting tugon niya kay King, dahilan para bahagya itong mapangiti.

May sasabihin pa sana si King ngunit biglang nagsalita na ang kanyang ama. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanyang mga bisita na para bang excited siya sa kanyang sasabihin.

"Hello again, everyone. I hope all of you are still enjoying this evening. Tonight is not just a simple event, I also want to announce a very exciting news."

Ngiting-ngiti na wika ni Theon.

Naintriga naman ang kanyang mga bisita dahil sa kanyang biglaang anunsyo, lahat ay gustong malaman kung ano ang tinutukoy niya. Natawa naman si Theon dahil sa mga naging tugon ng kanyang mga bisita, gustong-gusto na talaga nilang malaman.

"I'm not going to run around the bush anymore because I am also very excited to announce this matter. But first, I would like to call my son. Maximus Ethan, come here and join me."

Muling wika nito habang direktang nakatingin sa kanyang anak na panganay na kasalukuyang walang emosyon sa kanyang mga mata.

Hindi naman nagtaka si Scarlet dahil sa pagtawag ni Theon kay King, siguro nga ay talagang mahalaga ang gustong sabihin nito at kailangan kasama si King sa entablado.

Bago magtungo sa entablado, binalingan muna ng tingin ni King si Scarlet na kasalukuyang nakangiti sa kanya.

"I'll explain everything later, love. I promise you. I love you forever."

Seryosong sambit nito sa dalaga na siyang ipinagtaka ni Scarlet kung ano ang dapat nitong ipapaliwanag sa kanya.

Tinanguan lamang siya ni Scarlet habang nakangiti parin at hindi pinapahalata na nagtataka siya. Bago umalis si King, binigyan muna siya ng isang sa labi na siya naman kanyang tinugon. Matagal ngunit punong-puno ng pagmamahal. Wala na silang pake kung maraming tao ang nakatingin sa kanilang dalawa, basta ang mahalaga para sa kanila ay mahal nila ang isa't-isa.

"Son, come here now."

Muling pagtawag ni Theon kay King habang nasasaksihan niyang halikan nito ang pinakamamahal niyang nobya.

Wala namang nagawa si King kundi tapusin ang halikan nilang dalawa ni Scarlet. Saglit niya munang tinitigan ang dalaga na para bang inaaral ang buong mukha nito bago tignan ang kanyang ama na kanina pa siya hinihintay sa harapan.

Pasimple siyang bumuntong-hininga at naglakad na papunta sa entablado.

Napangiti naman si Theon nang makita niya na papunta na si King sa harapan.

"As you all know, Maximus Ethan is my firstborn child. He's the eldest and the first successor of every Dietrich's richest. And of course, being the eldest, he has a lot of responsibilities to carry on his shoulder as he grew older. On his very young age, he already received the title as the King of Sanguine University's Royalties. He's still holding that title until now, but what is a King without his lifetime Queen?"

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon