Chapter 102

500 18 1
                                    

Agad na napangiti si Scarlet dahil sa sinabi ni King. Muli niya itong binigyan ng isang halik sa labi bago muling nginitian. Hindi masyadong kita ang table nilang mga Royalties kasi nasa gilid lamang sila at medyo hindi naiilawan ng sinag ng bilog na buwan.

Isang ngiti rin naman ang binigay ni King sa dalaga ngunit sa loob-loob niya ay may bumabagabag sa kanya.

Patuloy namang nagsasalita si Theon sa harap ng kanyang mga bisita, ngunit hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagiging sweet at clingy nila King at Scarlet sa isa't-isa. Hindi ito ang panahon para pagsabihan ang dalawa sa harap ng mga bisita niya, hindi na rin naman niya ito magagawa kasi may mangyayaring hindi inaasahan ngayong gabi.

"And of course, I would like to express how grateful I am to our gorgeous and lovely visitor who came all the way day from her country just to be here with us. The one and only pure-blooded heiress of Atkins Clan, Ms. Mikaela Atkins."

Itinaas ni Theon ang kanyang wineglass, na may laman na red wine, habang nakatingin kay Mikaela na kasalukuyang nakasuot ng isang itim na sexy gown. Agad rin namang napangiti si Mikaela at nilapitan si Theon sa harapan para yakapin ito.

"You're always welcome, Tito Theon. I can't say no to your invitation because you really sent your firstborn son to our country just to inform us about this midnight ball."

Nakangiting wika ni Mikaela habang diretsong nakatingin kay King na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya pero walang emosyon ang mga mata nito.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Scarlet ang tinginan ng dalawa. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang mga tinginan na iyon kasi ayaw niyang sirain ang sarili niyang mood pati na rin ang magandang gabi na ito. Inisip nalang niya na baka nga personal na inimbitahan ni King si Mikaela noong mga panahon na matagal na umalis ang kanyang nobyo. Inimbita lamang nito ang isa at wala ng iba pa.

Si King naman ay hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon niya, dapat ba siyang kabahan kasi ramdam niyang parang may mangyayaring hindi maganda ngayong gabi o mainis dahil sa obvious na pang-aasar ni Mikaela ngayon sa harapan ng mga bisita.

Bahagyang pinisil ni Scarlet ang kamay ni King na kanyang hawak, nakuha naman agad niya ang atensyon nito at agad rin itong tumingin sa kanya.

"Are you okay, love? Kanina ka pa tahimik."

Nag-aalalang tanong ni Scarlet sa kanya.

Sasagot na sana si King ngunit biglang nagsalita si Kelly kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat.

"Nako, kailan ba naging maingay yan si King? Siguro pinaglihi yan ni Tita sa katahimikan kaya lumaking ganyan."

Natatawang wika ni Kelly habang pinaglalaruan ang kanyang red wine.

Hinampas siya ni Cindy sa kanyang braso dahilan para maalog ang kanyang kamay at tumalsik ang ilang butil ng red wine sa kanilang mesa. Nagulat naman si Kelly dahil sa biglaang paghampas ni Cindy sa kanya.

"Ang dami mong alam at ang daldal mo talaga 'no? Bakit ba kasi ikaw pa katabi ko dito? Tss."

Wika ni Cindy bago inirapan si Kelly at lumingon kay Lauren na tahimik lamang na nagmamasid sa buong paligid.

"Lauren, palit nga tayo ng upuan. Ayaw kong katabi yung unggoy na 'to!"

Bigla namang pinitik ni Kelly ang pisngi ni Cindy dahilan para muli siya nitong lingunin habang nakakunot ang noo niya.

"Bakit ka namimitik?!"

"Bakit ka rin nanghahampas ha?!"

Parehas nilang sigawan sa isa't-isa. Mabuti na lamang ay nasa dulong bahagi sila kaya hindi gaanong maririnig ng ibang bisita ang sigawan nilang dalawa.

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon