Chapter 80

836 27 6
                                    

This chapter is dedicated to:
claireannbrivera and @ItsPrincessJadeHwang

Thank you so much for reading and supporting my story, sweeties! It means a lot to me! 💛

-

Tinakpan na muna ni Scarlet ng isang tela ang bangkay ng babaeng nosferatu bago nila nilisan ni Marcus ang kwarto. Pinatawag na rin niya ang mga Vanguards para sunugin ang bangkay at linisin ang kwarto. Hinabilin na rin niya na wag na wag silang magtitira ng kahit na unting dugo sa loob ng kwarto.

Pagkalabas nilang dalawa sa underground facility ay agad silang dumiretso sa parking lot, kung saan nakaparada ang sasakyan ni Marcus.

"Uuwi ka pa ba sa condo mo? Or, diretso na tayo sa bahay ng dad mo?"

Tanong ni Marcus sa kanya habang nagmamaneho palabas ng university.

"Diretso na tayo sa bahay ni dad. Ituturo ko nalang sayo yung daan."

Simpleng sagot ni Scarlet habang nakatingin naman siya sa bintana.

Tahimik lang siyang nakamasid sa labas mula sa bintana ng sasakyan ni Marcus, madami na naman kasing gumugulo sa isip niya. Simula ng umalis si King ay naging magulo na ang lahat at hindi na rin natahimik ang isip niya. Dumagdag pa yung pagkamatay ng nag-iisa nilang lead para malaman kung sino ang nagsimula ng gulo. Iniisip rin tuloy niya kung sino ang pumatay dun sa lead nila.

Sinusulyapan ni Marcus si Scarlet na kanina pa hinihilot ang kanyang noo.

"Masakit ulo mo?"

Simpleng tanong niya sa dalaga.

"H-Ha?"

Nagtatakang tanong naman ni Scarlet sa kanya na siyang bahagyang ikinatawa ni Marcus.

"Kung masakit ba yung ulo mo? Kanina pa kasi kita napapansin na hinihilot yang noo mo."

Nakangiting tugon ng binata sa kanya.

Inirapan naman siya ni Scarlet at pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Sa kalsada ka nga lang magfocus, baka mamaya maaksidente pa tayo niyan eh."

Mataray at masungit na tugon ni Scarlet kay Marcus.

Natawa na lamang ang binata at napailing nalang rin dahil pagsusungit na naman ni Scarlet sa kanya.

Buong biyahe nila papunta sa bahay ni Christopher ay laging pinapangunahan ni Marcus ang usapan nilang dalawa. Masyado kasing tahimik si Scarlet, hindi ito magsasalita hangga't hindi siya ang naunang kumausap. Naiintindihan rin naman niya ito kasi alam niyang marami na naman itong iniisip.

Makalipas ang isang oras ay nakarating na sila sa mansyong tirahan ni Christopher. Hindi pa man sila nakakalabas ng sasakyan ay nakaabang na ang ama at lola ni Scarlet sa kanya.

Nang mamukhaan ni Cassandra ang lalakeng kasama ni Scarlet ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata at kunot-noong napalingon kay Christopher.

"Ma, please wag mo na munang simulan ngayong gabi lang."

Mahinang wika ni Christopher sa kanyang ina na nakakunot parin ang noo. Nawala lamang ang pagkakunot nito ng makalapit na sa kanilang dalawa sina Scarlet at Marcus.

"Hello lola and dad!"

Nakangiting pagbati ni Scarlet sa dalawa bago siya nagmano.

"Scarlet ija, mabuti naman ay nakapunta ka ngayong gabi."

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon