Chapter 75

1K 27 13
                                    

This chapter is dedicated to:
Phychyglxy

Thank you so much for reading my story, sweetie! 💛

— — —

Tinanguan lamang ni King si Mikaela, hindi na rin siya nagpakilala sa dalaga kasi kilala naman na siya nito.

"Is that your girl?"

Panimulang tanong ni Mikaela sa kanya habang nagsasalin ng dugo sa isang wine glass.

"Who?"

"The one you were talking with on your phone earlier. She's your girl, right?"

Muling tanong ni Mikaela sa kanya habang inaabot sa kanya ang isang wine glass na nilagyan niya kanina ng dugo.

Tinanggap niya ito at tinignan lang ang dugong nasa wine glass. Bahagya namang natawa si Mikaela dahil sa inakto niya.

"Don't worry, it's not a mortal's blood."

Sinulyapan siya ni King bago tikman ang kanyang inumin.

Gumihit ang lasa ng dugo mula sa kanyang bibig papunta sa kanyang lalamunan at tiyan. Ngayon nalang ulit siya nakatikim ng sariwang dugo, nasanay na kasi siya sa mga blood pills na iniinom nila sa SU.

Napansin naman ni Mikaela ang sunod-sunod na pag-inom ni King sa dugong nasa baso niya.

"So, you didn't answered my question pa! Is she your girlfriend ba?"

Naubos na ni King ang inumin niya, ngunit agad ring ni-refill ng isang butler ang kanyang baso.

Tinignan niya si Mikaela at tinanguan.

"Yes, she's my girlfriend."

Proud niyang sagot sa tanong ng dalaga.

Tinanguan naman siya nito habang may misteryosong ngiti sa kanyang mga labi.

"And she's the current Vampire Queen of Sanguine University, right? If I'm not mistaken, her name is Scarlet Celine Flammia."

Nakangising wika ni Mikaela bago muling uminom sa kanyang inuming dugo.

Agad na napatigil si King sa kanyang pag-inom at naibaba niya ang kanyang hawak na baso ng banggitin ni Mikaela ang pangalan ng kanyang nobya. Sa kanyang pagkakaalala, kahit isang beses ay hindi niya binanggit ang pangalan ni Scarlet. Pero bakit alam na niya agad ang pangalan nito?

Mas sumersoyo ang kanyang paningin kay Mikaela dahil dito.

Napansin naman ng dalaga ang mas lalong pagseryoso niya kaya bahagya siyang natawa at napailing.

"Chill, King. Masyado ka namang seryoso, pangalan palang naman niya ang nababanggit ko pero kung makatingin ka sakin ay parang dinumihan ko ang pangalan ng mahal mong girlfriend."

Natatawang wika ni Mikaela sa kanya.

Hindi naman siya sinagot ng binata, binaba lang nito ang hawak niyang baso at tumayo na mula sa kanyang pagkakaupo. Inayos niya ang kanyang suot na coat at muling binalingan ng seryosong tingin si Mikaela.

"Are you done asking me some nonsense questions? I came here to talk with your father."

Seryosong sambit ni King.

Napapangisi naman si Mikaela dahil sa pagiging mas seryoso niya. Tumayo rin siya sa kanyang pagkakaupo at nilapitan si King.

"Bakit? Hindi ka ba natuwa na ako ang nakita mo, Maximus?"

Queen of the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon